The Unwanted Love (MAdV) - 21

100K 1.8K 96
                                    

Sorry guys, natagalan 😞
Happy reading 😘

Chapter 21
16 Augut 2018
Unedited

Nagising si Emerald nang maramdaman ang may di kabigatang bagay na nakapatong sa kanyang dibdib. Marahan niyang ibinukas ang mga mata upang agad lamang na ipikit iyon. Nasilaw siya sa liwanag sa paligid. Hinayaan niya ang mga mata na nakasara habang pinapakiramdaman ang kanyang paligid. Biglang kinabog ang kanyang puso nang mapagtantong hindi isang bagay ang nakapatong sa kanyang dibdib. May kung ano rin ang nakapalupot sa kanyang baywang. Thos were arms. Arms wrapped protectively around her body. And the thing in her chest is a head.

Dahan dahang iminulat niyang muli ang mga mata. Bahagya siyang yumuko. Doon niya nakita ang pamilyar na ulo ang nakapatong sa kanyang dibdib. Is she dreaming? Is this some kind of a nightmare? Marahan niyang ini-angat ang ulo silipin ang mukha ng lalaki. Noon niya naramdaman ang bigat noon. Nahihilo siya ng bahagya. Iyong tipo ng hilo na nanggaling sa isang bagay na naamoy mo. She closed her eyes once more. Ini-angat niya ang mga kamay at niyakap pabalik ang lalaki. If this is a dream she should take advantage of it.

Her arms were warm against his clothed body. Naramdaman ni Emerald ang bahagyang pag-galaw nito. Nagsumiksik ito sa kanyang dibdib at hinigpitan ang yakap sa kanyang katawan. She leaned into his warm embrace and drift back to sleep. She missed him in her arms. She missed him so much.

NAGISING muli si Emerald makalipas ang ilang oras. Wala na ang lalaki sa kanyang tabi. Hindi na niya ramdam ang katawan nito sa kanyang tabi. She sighed. It must have been a dream. She opened her eyes and yawned. Nang tuluyang matignan ang paligid, noon niya napansin na nasa isang lugar siyang hindi siya pamilyar. Agad siyang napabangon. Kumpleto naman ang kanyang damit. Wala naman siyang nararamdaman sa katawan. Naigagalaw naman niya ang lahat. Napatingin siya sa paligid. Nothing is familiar. The off-white walls in front of her were clear of anything else. May isang wooden door sa kanyang kaliwa na sa tingin niya ay banyo at isang black double closer door sa isang panig kung nasaan marahil ang walk in closet. There's a flat screen television on top of a small elongated wooden table-shelf. There were books on the shelf too. On the other corner is a pale wooden vanity mirror. Napatingin siya sa sahig. Even the floor is laminated wood.

Agad siyang bumangon at sinuot ang isang slipper na nasa paanan ng higaan. Noon niya napansin ang isang malaking bagay na nakasabit sa ulunan ng higaan. Nanlaki ang kanyang mga mata. It was a picture of her and Marcus! She could still remember the day it was taken. Iyon ang araw ng ikatatlong anibersaryo nilang dalawa. They were both having fun in the pool when she suddenly had an idea to take photos of themselves. Ini-ayos niya ang kanyang tripod noon sa isang lugar at ini-on ang timer. Nasa harapan na ng camera si Marcus. Nang mapindot niya ang click ay dali-dali siyang tumakbo patungo kay Marcus at tumalon sa likuran nito.

On the exact moment her lips touched his cheek, the camera took a shot. It was picture perfect. Her on his back with his hand holding her thighs and her lips pressed against his cheek. Nakapikit ang isang mata ni Marcus habang ubod ng kaligayahan ang nakapaskil na ngiti nito sa mga labi. Napatingin siya sa hubad na katawan ng lalaki. His chest were bare and his lower body is hidden by a swimming trunks. She on the other hand was wearing a one piece swim suit. Hndi niya alam kung paanong nakuha ng lalaki iyon ngunit naka-frame na ito ngayon at nakapaskil sa dingding at sinasakop ang espasyo sa ulunan ng kama. Bulag lang ang hindi makakapansin noon. Iyon lang ang natatanging larawan sa buong silid.

Agad siyang napatingin sa pinto. The thing she thought was a dream was not really a dream. Sigurado siya roon. Kinakabahan na lumabas siya ng silid. Hindi iyon ang bahay ni Marcus. Isang mahabang pasilyo ang sumalubong kay Emerald. Agad na na-agaw ng mga frames na nakasabit sa dingding ang kanyang pansin. Agad niyang nilapitan ang isa. She gasped. It was her collection of painted flowers. Sigurado siya roon. Limang iba't-ibang bulaklak ang collection na iyon at kung hindi siya nagkakamali ay lima ang frames na nakasabit sa kahabaan ng pasilyo.iya

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]Where stories live. Discover now