The Unwanted Love (MAdV) - 7

105K 1.9K 84
                                    

24 July 2018
Unedited

Marahang sinuklay ni Marcus ang buhok ni Emerald. Mahimbing itong natutulog sa kanyang ibabaw. Hindi ito nagsalit kanina habang iyak lang ito nang iyak.

Kanina nang sabihin nitong gusto nito ng divorce ay hindi niya maintindihan ang emosyong naramdaman. Galit siya at bahagyang nasaktan at natakot. Kung bakit? Hindi niya alam. At nang umiyak ito kanina ay gusto niyang suntukin ang sarili dahil pinaiyak na naman niya ito.

Alam niyang noon pa kapag hindi niya napipigil ang sariling makapagsalita nang masakit ay umiiyak ito. Ngunit hindi sa kanyang harapan. Nagtatago ito. Alam niya iyon dahil ilang beses niya nang narinig umiyak ito. Hindi niya lang magawang malapitan. Mas malaki pa rin ata ang ego niya kaysa awa.

Ngunit ngayon... hindi niya alam. Naguguluhan siya. Naguguluhan siya bakit siya natakot at nasaktan. Bakit niya ito hinalikan? Bakit... napakaraming bakit.

Ilang saglit ay gumalawa ang babae at niyakap siya nang nahigpit na animo ay isa siyang unan. May bumangong saya sa kanyang puso. Sayang hindi niya rin alam kung saan nagmula.

"Emerald!" Napatingin si Marcus sa direksyon kung saan nakatingin si Angelus. Doon ay nakita niya ang isang napakagandang babae. Pilit niyang iniwas ang tingin dito. Nasa tapat niya lang ang kasintahan at ayun siya at nagagandahan sa ibang babae.

Agad niyang binaling ang tingin sa librong binabasa. Kasalukuyang nasa isang beach resort sila. Birthday ni Angelus at nagpumulit itong magswimming sila para mapakilala siya sa mga close nitong kaibigan. At para na rin maibahagi sa mga ito ang engagement nila.

Kahit anong pilit niyang pagbasa sa librong hawak ay hindi niya iyon maintindihn. Ang tanging nasa isip niya ay ang mala anghel na mukha ni Emerald.

She's so beautiful like an angel. Her lips so red like a rose. Her eyes twinkle everytime he looks at it. Oh, she's just too beautiful. Too beautiful for him to acknowledge.

"Hello!" Narinig niyang saad ng babae. Noong una niya itong makilala ay mahiyain iti ngunit nang tumagal tagal ay napansin niya ang pagiging masayahin nito. She's like a sunshine bringing happiness to everyone.

Nang mag-angat siya nang tingin ay hindi niya sigurado kung kumabog ba ang dibdib niya o ano, pero sa ilang saglit ay nabighani siya sa ngiti nito.

"Marcus." Naagaw ng tinig ni Emerald ang pag-alala ni Marcus sa nakaraan. Yumuko siya sa babae at pinalis palayo sa mukha nito ang mahabang buhok.

"Yes, Emerald?" Ang tagal niyang naghintay ngunit hindi ito sumagot. Marahil ay tulog pa ito at nagsasalita lamang sa pagtulog.

"I love you. Please, love me too." Tumigil ang pagpintig ng kanyang puso. Natigil sa ere ang kamay niyang sumusuklay sa buhok nito. Tulog ang babae, sigurado siya roon. Pantay ang paghinga nito.

Iginilid niya ang babae at inihiga sa kama. Inunan niya ito sa kanyang braso. Doon ay sumiksik ito. Tinitigan niya ito. Hindi niya alam kung gaano katagal. Namayat ito ng sobra. Naging malungkutin na rin ito at tipid ngumiti. Dati ay laging abot sa tenga ang ngiti nito ngunit ngayon ay hindi na. Napabuntong hininga siya. Tinitigan muli ang asawa.

"I am trying, Emerald. Trying to make us work... just... just don't give up now. I may be late but... but don't give up."

NAGISING si Emerald nang may ngiti sa labi. Hindi niya sigurado kung bakit ngunit tila ay ayos na ayos ang mood niya. Agad siyang napatingin sa orasan sa bedside table. Napabangon siya. "Hala!" Tili niya at nagmadaling pumunta sa banyo. Ma-li-late siya sa usapan nila ni Ed!

Nagmamadaling naligo siya at nag-ayos.

"Emerald? Anong nangyari? Open the door." Sunod-sunod na katok sa pinto ang narinig ni Emerald. Si Marcus iyon. "I'm fine!" Sigaw niya rito na may tonong pantataboy.

"Are you sure? I'm going in!" Sigaw pa nito. Agad siyang lumabas ng shower corner upang magtapis bago pa ito makapasok. "I'm going in!" Sigaw nito at halos magkanda-dulas siya sa pagpunta sa kanyang twalya.

Saktong pagbukas ng pinto ay ang pagkadulas ni Emerald sa sahig!

"Ouch!" Emerald cried.

"Emerald!" Sigaw ni Marcus at agad siyang dinaluhan sa sahig. Basang basa siya! Hubo't-hubad na naka upo sa sahig!

"Emerald, what are you doing!?" Nagaalalang saad ni Marcus habang tinutignan ang kabuuan niya kung mayroon bang nagdurugo.

"Sabi ko kasi okay na ako! Nagpilit ka pang pumasok!" inisi niyang saad sabay palo sa kamay ni Marcus na nakahawak sa kanyang binti.

"Okay, eh halos mapahiga ka na diyan sa sahig." Sagot nito sabay hawak naman sa balakang niyang sapo-sapo niya. Pinalo niya ulit ito.

"Bitiwan mo nga ako. Kung di ka nagmadaling pumasok edi hindi sana ako nagmadaling kumuha ng tuwalya!" Lintanya niya. Ang sakit na ng lalamunan niya kakasigaw!

"Bakit ka pa kukuha ng tuwalya? Eh, nakita ko naman na lahat iyan?!" Noon ay biglang napagtanto ni Emerald ang kalagayan. Hubo't hubad siya sa harapan ni Marcus!

"Bastos!" Inis niyang saad at hinampas ulit ito. Umiling-iling lang ang lalaki. Nang lumayo ito ay sinubukan niyang bumangon. Ngunit agad ding bumigay ang kaliwa niyang binti. Napuruhan iyon dahil tumama muna iyon sa tokador bago bumagsak sa tiled floor.

"Come on. I will carry you." Saad ng lalaki at agad siyang binuhat. Hindi na lamang niya ito tinignan at hindi rin hinawakan.

"Ang puti mo pala talaga." Saad ng lalaki. Pinanlakihan niya ito ng mata na ikinatawa nito. "You're breasts are perfect, too."

"Marcus!" Suway niya. Ang bagal nitong maglakad!

"What?" Huminto ito upang titigan siya.

"Stop looking at me you perv!" Reklamo niya sabay hampad da balikat nito.

"Emeral, malapit ko nang itali yang kamay mo. Isa pang hampas." Biglang napatigil siya. Itinago nag kamay sa sarili. Tila hindi kasi ordinaryon "tali" ang ibig sabihin nito.

"Shut up and put me down the bed. Tawagin mo na rin si nanay." Utos niya at naglayo ng tingin dito.

Muling naglakad ang lalaki. "Why bother, nanay? Nandito naman ako?" Napairap siya. Naiinis siya rito. Ano bang pakulo nito at bigla yatang inasikaso siya? Pero pasensya na ang lalaki dahil imbis na kiligin siya ay nabubwisit siyang tunay.

Ibinaba siya ni Marcus sa kama. "Wait here."

"Call nanay." Utos niyang muli ngunit hindi siya nito pinansin. Bagkus ay napunta ito sa walk in closet. Paglabas nito ay dala nito ang isa sa mga white shirt ng lalaki.

Lumapit ito sa kanya at binihisan siya.

"Kaya ko, nadulas lang ako." Pagpipigil niya sa lalaki ngunit hindi ito kumibo. Nagoatuloy lang ito sa pagtapos ng mga butones.

"Saan masakit?" Seryosong saad ng lalaki sabay kapa sa kahabaan ng kanyang legs. Tila ay may bulta-bultaheng kuryente ang gumapang sa kanyang balat.

"Si manang na tawagin mo, Marcus!" Pagpilit niya. Gusto niya sanang pumihit ngunit masakit ang balakang niya.

"Huwag kang makulit, Emerald. San ang masakit?"

Sa inis ay hindi niya ito pinansin. Pinatong niya ang braso sa mata at pumikit. Narinig niyang bumuntong hininga si Marcus.

Ilang saglit pa ay narinig niya ang mga yabag nitong papalayo. Akala niya ay aalis na ito ngunit laking gulat niya nang bumalik ito.

Malungkot ang mga tinig na nagsalita ito. "Atleast let me put you an underwear." Saad nito at hinaplos ang kanyang binti. Napabuntong hininga siya. "Okay." Tugon niya. Kaysa naman umakyat ang matandang kasambahay at makitang ganoon ang itsura niya.

Marahang ini-anag ng lalaki ang kaliwa niyang binti at duon unang isunuot ang underwear. Suminunod nito ang kabila bago inalalayan siya paupo upang maisuot iyon nang maayos.

Pagkatapos maisuot ay inalalayan siya nito pahiga. "I will call nanay." Ani Marcus. Tumango siya at pumikit para lamang dumilat muli sa gulat nang lumapat ang labi ni Marcus sa kanyang noo. "Don't mobe, baby. Stay put."

The Club: Ruthless Men in Love #1 [Completed]Where stories live. Discover now