Chapter Thirty Two

Start from the beginning
                                    

"Pagkatapos ng klase mo susunduin na kita then we'll have our dinner together." Sagot naman niya sa akin.

"Wala ka bang klase ngayon? Hindi ba't may Accounting ka ngayon?" Saad ko sa kanya.

"May importante akong kikitain mamaya." Ani niya. Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya.

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan at wala ni isa sa amin ang nagsasalita pa. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa mga nadaraanan namin hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa school na pala ako.

"I'll text you later." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya at bumaba na ako. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n'ya.

Alas diyes y media pa lang ng umaga at mamaya pang alas onse ang klase ko kaya dumaan muna ako sa library para kumuha ng libro. Sa may garden ako ng school dumaan dahil may shortcut doon papunta sa library. Papaakyat na sana ako ng library ng bigla ay mapatili ako nang makita ko ang dalawang lalaking walang tigil na nagsusuntukan sa harapan ko.

"You asshole! Fvck you!" Panay ang mura nila sa isa't isa habang nagsusuntukan. Luminga-linga naman ako sa paligid at natyempuhang walang ibang estudyante kung hindi sila at ako. Hindi na ako nagtaka kung walang ibang estudyante dahil class hours ang mga ganitong oras. Panay dugo na ang kanilang mga uniporme at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Fvck you too! Mang-aagaw ka! Tang ina mo!" Ayaw pa rin nila tumigil sa pagsasapakan at hindi ko na alam ang gagawin ko. Alangan namang iwan ko sila dito eh halos magpatayan na sila. Kunsensya ko pa kung mamatay ang isa sa kanila o mas malala, silang dalawa.

Huminga naman ako nang malalim at nilakasan ko ang loob kong lumapit sa kanilang dalawa.

"Stop it!" Sigaw ko sa kanilang dalawa pero hindi pa rin sila tumigil kaya lumapit na ako at hinatak sila, pero sa pag-awat ko sa kanilang iyon ay muntik na akong matamaan ng suntok ng isa.

"Fvck you! May-araw ka rin sa akin, tang ina mo!" Sigaw noong isang lalaki at tsaka umalis sa pwesto namin. Nakahinga naman ako nang maluwag.

Agad kong nilingon ang isa pang lalaki na ngayon ay nakaupo sa damuhan ng garden. Pinakatitigan ko siya at puno ng dugo ang uniporme n'yang suot. Nagulat ako nang bigla ay tumawa siya nang mahina habang pinapahid ang dugo sa gilid ng labi n'ya gamit ang kanyang kaliwang hinlalaki.

Baliw na ba 'tong lalaking 'to? Tanong ko sa sarili ko habang kunot noong nakatingin sa kanya.

"Damn, I missed punching some asshole's face." Rinig kong sabi n'ya. Bigla ay lumingon siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Napataas naman ang kilay ko sa pagngisi niyang iyon.

"Sana hindi mo inawat ng nabasag ko ang mukha ng unggoy na 'yon." Sabi niya sa akin. Mas lalo namang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Excuse me, kung hindi ko pa kayo inawat. Marahil ay nakabulagta ka na diyan, tignan mo nga 'yang sarili mo!" Saad ko naman sa kanya. Aba, sana raw hindi ko inawat? Parang kaya n'ya naman 'yong lalaking nambugbog sa kanya. Siya pa nga ang mukhang mas dehado dahil puro gasgas ang mukha niya na paniguradong magpapasa mamaya.

"Kayang-kaya ko 'yon. Inawat mo lang talaga." Mayabang n'yang saad sa akin. Tumayo siya at gustong kong matawa nang mawalan siya ng balanse. Halatang hirap siya maglakad.

"Ano? Sa tingin mo kaya mo pa?" Sarkastikong sabi ko. Narinig ko naman ang sunod-sunod niyang pagmumura. Pinilit n'yang tumayo at pinapanood ko lang siya habang sinusubukan niyang tumayo pero wala, bigo siya. Hindi ko alam kung bakit pero lumapit ako sa kanya at tinulungan siya.

"Kaya ko, h'wag mo na akong tulungan." Pagmamatigas niya. Siniko ko naman bigla ang tiyan niya at halos mapasigaw siya sa sakit.

"Minsan, hindi masamang ipakita sa ibang tao kung nasasaktan ka na o hindi dahil patunay lang 'yon na kaya mong maging malakas sa harap ng ibang tao." Seryoso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya sumagot at hinayaan n'ya lang akong alalayan siya papuntang University clinic.

Kita ko naman ang ilang pares ng mga mata ang tumitingin sa amin. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin sa amin kung ang kasama ko ay puno ng dugo ang suot na uniporme?

"Sir Nicollo! Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong noong school nurse pagkapasok namin sa University clinic. Agad namang napakunot ang noo ko. Sir Nicollo?

"Wala, gamutin mo na lang ako." Masungit na sagot noong Nicollo sa nurse. Inilalayan ko naman siya hanggang sa makaupo siya sa isang puting kama.

"Aalis na ako—" Hindi ko na nagawang maituloy ang sasabihin ko nang bigla ay magsalita siya.

"She's the reason why I got this." Sabi noong Nicollo. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H—Hoy! Anong ako?! Ako nga ang tumulong sa'yo para makapunta ka rito tapos sasabihin mong ako pa ang may kasalanan?!" Inis kong sigaw sa kanya. Nakita ko naman ang pamatay niyang ngiti.

"Ms, hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi kita nakukuhanan ng statement. I'll just report it to the office." Sabi noong school nurse.

"Hindi pwede! Candidate ako for Cum Laude at once na magkaroon ako ng report, hindi na ako pwedeng maging Cum Laude!" Inis kong sabi roon sa nurse. Kung 

"Ces, h'wag mo na lang ireport ako na ang bahala." Sabi noong bwisit na lalaki sa harapan ko.

"Sige po Sir Nicollo." Sagot naman noong nurse. Binalingan ko naman ng tingin ang lalaking muntik ng sumira sa pangarap ko.

"Bakit mo sinabing ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan?!" Galit kong saad sa kanya.

"Gusto ko lang." Kaswal niyang sagot habang nakangisi . Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko at gusto ko na siyang sapakin ng wala sa oras! Ako na nga itong tumulong ako pa 'tong dehado? Bwisit!

"Aalis na ako sa ayaw at sa gusto mo!" Iritable kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinalikuran. Hindi pa ako nakakahakbang palayo nang muli ay magsalita siya.

"You are not going anywhere not unless you'll tell me your name and number."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now