Animoy artistang naglalakad.Taas noo at deritso ang tingin.Nakasuot ng aviator at naka suit pa.

"Daddyyyy"sigaw ng anak ko nang makita ako.Agad naman itong lumapit.Kinarga ko ito bago hinalikan sa ulo.

"How's school?"tanong ko nang maipasok ko na sa backseat.Nakita kong marami na naman guhit ng lapis ang uniform nito.Palage ganyan ang suot niya pag umuuwi galing school.Na para bang ang uniform nito ang nagsisilbing papel niya.

"Okay lang po,dad look i have a two star."sabay pakita ng braso.Ganyan naman lage ang teacher nito palageng nilalagyan ng star ang braso ng mga bata.Nilingon ko naman ito sandali para makita ang star.

"Wow, very good ka na naman ba sa klase?"nakangiti kong tanong.

"Opo,tsaka may pinagawa si teacher samin,wait lang dad."anito.Sinilip ko naman sa reviewmirror nakita kong may kinukuha sa bag nito."Here dad."sabay abot sakin ng papel inabot ko ito at tiningnan.

"What is this?"tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang nakalagay sa papel. May nakaguhit lang at may maliit na bilog .

"That's our family daddy,"tumayo ito sa likod ng inuupuan ko tsaka humawak dahan dahan naman ang pagmamaneho ko.Our family? tiningnan ko ulit ang nasa papel anung family sinasabi nito."This is you daddy"turo nito sa isang guhit na medyo mataas."this is mommy"turo naman nito sa kabilang gilid na medyo mababa lang sunod na tinuro ang nasa gitna ng guhit."and this is me".

Dahil wala akong maintindihan sa mga tinuro niya.Tumango nalang ako.

Pagkarating ng bahay pinabihisan ko muna siya sa yaya nito.

"Mommy Mitch."nagulat ako nang sumigaw ang anak ko pagkapasok namin sa restaurant.Nakatingin saamin ang lahat ng kumakain.Pati ang mga babae kong makatingin samin para nang mahuhulog sa kinauupuan dahil sa pinipigil na kilig.Karga ko ang anak ko dahil asual dito na naman nito gustong kumain.Nabigla naman ang babaeng tinawag nitong mommy.

Agad nagpababa sakin hindi ko na napigilan nang tumakbo ito sa kinaroroonan ng babaeng waitress.Naglakad naman akong pasunod dito.

"Table for two."sabi ko sa waitress na nasalubong ko.Nakatingin lang ako sa anak ko na nakikipag usap sa babae.Yumakap pa ito at hinalikan sa pisngi.Nakikita kong masaya ang anak ko pag nakikita nito ang babaeng waitress.

"H-hi."anito nang makalapit ako sa kanila.Tumayo ito ng tuwid at nakayukong binati ako.Hindi ko naman ito pinansin dahil nararamdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko nang magtama ang mata namin.Walang emosyon kong tiningnan tsaka inilibot ang paningin sa paligid.

"Let's go anak"yaya ko na dito.

"Mommy did you eat already?"tanong ng anak ko nakahawak pa ito sa kamay ng waitress.Nakita kong nailang ito dahil sa tinawag ng anak ko.Kinagat pa nito ang ibabang labi bago tumango.

"Halika na anak oorder na tayo."pilit ko sumama naman ito.

Habang kumakain kami panay ang lingon ng anak ko sa paligid.Hindi ko kasi nakikita ang waitress baka yon ang hinahanap nito.

"You want dessert buddy?"tanong ko nang matapos ang kinakain nito.Tumango naman ito.

"Where's mommy,dad?"luminga naman ulit sa paligid bago binalik ang tingin sakin.

Tumingin din ako baka sakaling makita ko pero wala."I dont know buddy,baka busy lang" tinawag ko ang isang waitress na malapit sa table namin.

"Yes sir?"nakangiting tanong nito.

Sinabi ko naman sakany ang dessert na gusto ng anak ko.

"Miss did you see my mommy Mitch?"tanong nito sa babae.

"Ha?"aniya.

Pinaalis ko na ito para kunin ang order naming dessert.Nakasimangot na ang anak ko nang matapos naming kumain at magbayad.

"Buddy baka busy ang mommy,maraming kumakain ohh" sabi ko at nilingon ang paligid.

Marami nga ang tao na kumakain may lumalabas at may pumapasok.Palabas na kami ng restaurant nang masalubong namin ang babaeng iniiwasan ko na nga.Pag minamalas ka nga naman.Wala na ako pagtataguan dahil palapit na ito samin.

"Zeke?"anito bago tumingin sa anak ko."Oh hi baby boy."pipisilin sana nito ang pisngi pero tinabig lang ng anak ko."Tumawag ako at nagtext why you didn't answer?"parang galit na turan.

"Im busy."walang gana kong sagot."Mauna na kami inaantok na anak ko eh"hindi ko na hinintay na makasagot ito nilampasan na namin.

Muli akong lumingon sa loob ng restaurant nahagip ng mata ko ang babaeng waitress na nakatingin ito sakin.Ngingitian ko sana ito pero yumuko na at tumalikod.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Donde viven las historias. Descúbrelo ahora