CHAPTER 28 - Beginning

Start from the beginning
                                    

“Son — ”

“Shut up, Dad! Kapag nalaman kong totoo ang binibintang sa ‘yo ni Mommy, kalimutan mo ng may anak ka.” Hindi ko na napigilang pagbantaan ang sarili kong ama saka sila tinalikuran.

“Kenshi!” Tawag sa ‘kin ni Mommy. “Saan ka pupunta?!”

Sa Impyerno!” Sigaw ko pabalik kay Mommy.

Bumalik ka dito!!”

Hindi ko na pinansin si Mommy. Dumiretso ako ng garahe saka sumakay sa Ducati ko.

“Mang Arman, Pakibukas ng gate!”

“Yes, Sir.”

Pagkabukas na paglabukas ni Mang Arman ng Gate ay humarurot ako agad palabas ng bakuran hanggang sa parang nakikipagkarera na ako sa mga sasakyan dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Sabado ngayon kaya tatambay muna ako sa bahay nila Harvy.

ANG TAGAL namang magbukas ng gate peste. Kanina pa ako nakatayo dito. Lintik naman talaga ‘tong Harvy na ‘to. Imposible namang natutulog pa rin.

“HARVY!!!” Sigaw ko na nasakto naman sa pagbukas ng gate. “Nasaan ang boss mong si Harvy?” Tanong ko sa maid nila na siyang nagbukas ng gate.

“Nasa swimming pool, Sir, kasama si Sir Hiro.” Tugon nito. “Pasok po kayo.”

Salamat.”

Pumasok ako at saka dumiretso sa Pool area. Magkasama nga ang dalawang gago na nagtatawanan pa habang may hawak na bote ng soda.

“Whitwiw!” sumipol ako para kunin ang atensyon nilang dalawa. “So, tama na sa inyo ‘yang soda na ‘yan? Hindi nakakalasing ‘yan.” i said, smirking.

“Fuck you! ‘yang bibig mo ulol!” Singhal ni Harvy sa ‘kin. “Kapag narinig ka ni Daddy, Malilintikan na naman ako buwisit ka.”

I chuckled. “Kailan ka pa natakot sa Daddy mo?”

“Tarantado ka. Ikaw nga diyan ‘yung takot sa Daddy mo— ”

“Nah-ah,” Umiling ako. “Hindi ako natatakot sa kaniya. Umiwas lang ako sa ayaw niya dahil ayaw kong mapunta sa boring na Mega High.” Sabi ko saka naupo sa Adirondack chair.

Bakit ka ba nandito?” Tanong ni Hiro.

Bakit ka rin ba nandito?” i asked, smirking. Nag-aaway na naman ang parents ko kaya ako nandito.” Walang ganang sabi ko. Tagay nalang tayo.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now