CHAPTER 48 - Emptiness

3.1K 172 5
                                    

KENSHI’S POV :

“Bro, Tama na yan.” Biglang sabi ni Hiro at akmang kukunin ang bote ng beer na hawak ko kaya iniiwas ko ito sa kaniya.

“I wanna get wasted so when i get back home, makakatulog ako ng maayos at mahimbing. Tipong walang problema. Tipong ayos lang ako. Tipong malaya. Higit sa lahat, Tipong may pag-asa pa kay Sigrid.” sabi ko na sinundan ng walang buhay kong pagtawa.  “I'm tired, Bro. Physically and Mentally.”

“Lasing ka na, Bro. Kapag inubos mo pa ‘yang laman ng bote na yan, Babagsak ka na talaga.” Wika ni Hiro.

“Will you shut up?” Bulyaw ko sa kaniya sa lasing na tinig. “Actually, This is all your freaking fault. Kung hindi dahil d’yan sa katabilan ng dila mo, Hindi sana ako magkakaganito. Okay pa sana ang lahat sa amin ni Sigrid kung hindi dahil sa 'yong hayop ka.” Sabi ko saka ko isinandal ang ulo ko sa kaharap kong table. Lasing na nga ‘ata ako. Naglalabasan na ang mga bituin, e.

“Stop blaming me, Will you?!” Bakas ang inis sa boses ng kumag. “Ang kasalanan ko, Naging madaldal ako but can't you fucking see it? Kenshi, Nagsimula ang lahat ng ‘to dahil pumayag ka sa dare ni Harvy and remember, Walang bahong naitatago ng matagal na panahon.”

“Nag-quit na ako. Putang ina. Kung hindi naman kasi talaga dahil sa ‘yo, Ayos pa sana ang lahat. But because of you, dahil sa buwisit na kadaldalan mo, Look at where we are now? Our lives is in chaos dahil pati mga kaibigan natin, Galit sa ating tatlo. Dahil sa ‘yo mas mataas na ang pag-asa ni Saiyan kay Sigrid kaysa sa ‘kin. Naintindihan mo, Hiro? Kasalanan mo lahat!” Bulyaw ko sa kaniya kahit luluray-luray na.

“Fine. Kasalanan ko na, Patawad. Hindi ako perpektong tao, Kenshi. I make mistakes. Hindi ako perpektong tropa kaya ako nandito ngayon para damayan ka. Huwag kang mag-alala, Tutulong ako sa problema mong ‘to. Hindi ka nag-iisa.” Wika ni Hiro na tinapik pa ang balikat ko. “Ngayon ibigay mo na sa ‘kin ‘yang boteng hawak mo at uuwi na tayo.”

Imbes na iabot ko sa kaniya ang bote ay tumungga pa ako saka pagak na tumawa.

“Dapat na ba akong huminto, Hiro? Dapat ko na bang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Sigrid?” I sighed heavily. “Masakit pala. Masakit palang layuan ka ng taong mahal mo.. ng mga taong mahal mo. I’m not yet over with the fact that i was just an adopted child tapos nangyari na naman ‘to.”

“What did you say?” Tanong ni Hiro.

Kukurap-kurap akong tumingin kay Hiro saka malungkot na ngumiti.

“Ampon lang ako nila Mommy at Daddy. Nalaman ko ‘yun nu’ng araw na hinanap niyo akong lahat.” Sabi ko saka muling tumitig sa boteng hawak ko. “I was hurt, and I'm still hurt. I’m not happy with my life, Hiro. Si Sigrid nalang ang tanging nagpapasaya sa ‘kin kahit natitingnan ko lang siya mula sa malayo. Pumapasok ako sa school dahil gusto ko siyang makita pero ngayon, Wala na, Hiro. Wala na akong matitingnan pa sa malayuan kasi alam kong parang milya-milya na ang layo naming dalawa ngayon.” I chuckled. “Ngayon na alam mo na ampon lang ako, Hahayaan kita kung lalayuan mo rin ako. Sino ba naman ako ‘di ba?” Muli na naman akong natawa saka sinimot ang laman ng bote. “Walang wala ako, Hiro. Pati ang tunay na ako ay hindi ko kilala. Huwad lang ang pagkatao ko kaya hindi karapat-dapat pahalagahan — araayy! Bakit ka ba nambabatok?!”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن