SAIYAN’S POV :
“Are you happy now?” nanunuyang tanong ni Vegetta sa ‘kin mula sa likuran ko.
Umikot ako paharap sa kaniya, “Ano bang klaseng tanong ‘yan, Vege?”
Tumitig siya sa ‘kin ng diretso— blangko. Maya-maya pa ay may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya at initsa 'yon sa 'kin.
“Hayan. Tingnan mo.”
Natigilan ako nang makita kong ang ninakaw kong picture ni AM nu’ng maliliit pa kami ang initsa niya sa 'kin.
“Sinabi mo sa ‘kin na mahal mo siya. Sinabi mo sa ‘kin na siya ang unang-una mong magiging modelo someday tapos lolokohin mo lang ‘yung tao?”
“Wala kang alam— ”
“Wala akong alam, yes.” salo niya sa sinasabi ko. Kitang-kita ko rin sa mga mata ng kapatid ko ang matinding pagkadismaya niya. “Hindi na rin kita kilala, Kuya. Sinusuportahan kita at pati ang relasyon niyo ni AM kasi hanga ako sa ‘yo. Hanga ako sa ‘yo dahil hindi ka nagpapamanipula sa Lolo natin pero anong ginawa mo?”
“Manahimik ka nalang, Vege.”
“At ang kapal pa ng mukha mong dalhin dito ang kababuyan niyo ni Mel— ”
“Ang sabi ko tumahimik ka na!” iritadong bulyaw ko sa kaniya. “What the hell, Vege! That’s my decision, okay? At kahit kailan hindi kita pinahintulutang pakialaman ang buhay ko, o ang love life ko. Choice ko ‘to. Ginusto ko ‘to — ”
“Fine, fine! Sagutin mo nalang ang tanong ko, Kuya.”
I frowned, “What?”
“Masaya ka ba sa desisyon mo? Mahal mo ba talaga si Melody?”
Nagbuntong-hininga muna ako. “I’m happy and yes, i love her, Vege.” Taas-nuong tugon ko na nagpalaglag ng panga ng kapatid ko. “Kaya nakikiusap akong suportahan mo nalang kami ni Melody katulad ng pagsuporta mo sa amin — ”
“I’m sorry, Kuya.. hindi ko kaya.”
“Vege, ano ba? Daig mo pa si AM sa pakikipag— ”
![](https://img.wattpad.com/cover/189804631-288-k603945.jpg)