CHAPTER 6 - SuperSaiyan

4.3K 297 43
                                    

KENSHI’S POV :

“Saan ba talaga tayo pupunta?” usisa ni Oswald. Tarantado ka pag tayo ginabi ng uwi mamaya at sasabunin na naman ako ni Daddy, Malilintikan ka sa’kin bukas.” singhal niya sa'kin.

“Oo nga, Bro. Saan ba talaga kasi tayo pupunta?” usisa rin ng gagong si Harvy.

“Alam mo kung makikipagkita ka lang kay Sugar, mabuti pang huwag nalang kaming sumama, Kenshi.” isa rin 'tong Hiro na ‘to e.

“Sinabi ko bang sumama kayo mga gago.” Sabi ko habang naglalakad pa rin.

Napipikon ako sa Signerd na ‘yun. Ng dahil sa kaniya naging bully ako. Nangako ako kay Dad na magpapakabait na ako tapos biglang dumating ‘yung Manang na ‘yun?

Ng dahil sa kaniya hindi pa nangangalahati ang school year, na-guidance kaagad ako at higit sa lahat, naiinis ako sa kaniya dahil magnanakaw siya ng halik.

“Uuwi na ako.” aniya ni Saiyan.

“Okay.” walang ganang sabi ko. Medyo naiinis ako sa kaibigan kong ‘to dahil pakiramdam ko, mas pinapanigan pa niya si Signerd kaysa sa akin.

Nang makaalis si Saiyan ay dumiretso ako sa Guardhouse habang nakasunod ang tropa ko sa'kin. Nakita ko kasi kaninang umagang iniwan ni Sigrid ang bisikleta niya sa isang guard kaya yari ngayon sa'kin ‘yung babaeng ‘yun na sumpa sa buhay ko.

“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ni Hopper.

Ngumisi ako. “Just wait and see.” sabi ko saka nilapitan 'yung guard na kausap ni Sigrid kanina. “Ah, Guard?”

“Yes, Sir?”

“Nasaan ‘yung bisikleta ni Sigrid?” tanong ko. Alam kong nandito pa dahil hindi pa naman nakakauwi si Signerd.

Nasa canteen pa kasi siya para maglinis. Punishment naming dalawa ‘yun pero tumakas ako para gantihan siya. Bahala siyang maglinis mag-isa niya.

“Bakit, Sir? Iniwan kasi niya sa’kin kaninang umaga— ”

“Kaibigan ako ni Sigrid at nakauwi na siya kaya ako nalang ang kukuha ng bisikleta niya.” sabi ko.

“Pero, Sir— ”

“Guard, kung ako sa’yo, Ibibigay ko nalang kay Kenshi ‘yung bisikleta bago ka mawalan ng trabaho.” may bahid pagbabantang sabi ni Grover.

“S-sige. Sandali lang. Kukunin ko lang, Sir.”

Tumango ako at napangiti. Kating kati na akong mahawakan ang pisteng bisikleta. Akala yata ni Sigrid papayag akong binabastos niya ako? Tsk. I’m not Kenshi Guttierez without one. Ipapakita ko sa Manang na 'yun kung sino ang tunay na Leader ng Bad boys.

“Heto na, Sir.” akay-akay na ni Guard ang bisikleta.

“Thank you.” Sabi ko saka ko kinuha ang bisikleta at ako naman ang umalalay. “Let’s go.” Baling ko sa mga kaibigan ko na wala pa ring kaidi-ideya sa kung anong gagawin ko sa bisikleta ni Sigrid. “Uuwi na tayo.”

“What? Uuwi kang dala ang bisikleta ni Sigrid?” Tanong ni Oswald. “Ibalik mo na nga ‘yan dun. Hahanapin ‘yan ni Sigrid sa guard at kapag nalaman niyang ikaw na naman ang kumuha, sigurado akong mag-aaway na naman kayo.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon