CHAPTER 14 - Pretending

3.9K 247 16
                                    

ALANIS' POV :

Napansin kong gumalaw si Sigrid kaya lumapit kaagad ako sa kaniya. "You're awake!" Bulalas ko. "How are you feeling?" Tanong ko habang nakahawak ako sa kamay niya.

"Who are you?"

"Hindi mo ako kilala?" Gulat kong tanong.

Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin saka unti-unting umiling.

"Sino ka ba?"

"Babae, manahimik ka. Tigilan mo na 'yang kalokohan mo kundi babatukan talaga kita." Banta ko sa kaniya kahit sa totoo lang ay kinikilabutan na ako.

"Sino ka ba kasi?"

"Hala! Inulit pa talaga. Iiyak na talaga ako."

Hindi na naman siya kumibo at nanatili lang siyang nakatitig sa'kin. God! ano bang nangyayari sa kaibigan kong 'to?

"Nurse?!" Tawag ko sa nurse. "Bakit nagkakaganiyan po 'yang kaibigan ko? bakit po hindi niya ako kilala? May amnesia po ba siya?" Sunud-sunod kong tanong.

Umiling si Nurse Kath. "Walang amnesia ang kaibigan mo. Marahil ay dala lang 'yan ng takot niya. Na-trauma siguro sa pagkakakulong sa kaniya sa madilim na lugar." Paliwanag ng nurse. "Alam mo, mabuti pang iuwi mo na siya sa kanila para mas makapagpahinga siya."

Paano na 'to? hindi ko dala ang kotse ko. Pinaalis ko na rin si Saiyan. Paano ko naman kaya siya iuuwi?

"Sige po. Tatanungin ko lang po 'yung kaibigan namin kung dala niya 'yung kotse niya para may masakyan si Sigrid pauwi sa kanila." Sabi ko. "Sig, ayos ka lang ba? Anong gusto mong kainin? Ibibili nalang kita kasi wala ka pang kinakain. Hindi ka rin kumain ng lunch." Sabi ko.

Umiling siya. "Hindi ako nagugutom, Ate."

"Hala siya?! Anong ate? pareho nga lang tayong 17." Nakangusong sabi ko pero nanatili pa rin siyang walang emosyon. Hindi man lang ngumiti. "Maiwan nalang muna kita dito. Ibibili kita ng pagkain at kakain ka sa ayaw mo't gusto." nang hindi niya ako tugunin ay humarap muli ako kay Nurse Kath. "Kayo na po muna ang bahala sa kaniya. Ibibili ko lang po siya ng makakain niya at hahanapan ko na rin ng masasakyan niya pauwi para hindi na po mag-commute." Sabi ko sa School nurse namin.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora