CHAPTER 52 - Enchanting Beauty

2.9K 180 20
                                    

SIGRID’S POV :

Inutusan ko si Mang Orlando, Ang driver namin na iparada pa rin sa harapan ang sasakyan at ako nalang ang iikot mamaya sa likod-bahay at si Miss Lian naman ay susunod nalang na papanhik sa kuwarto ko.

Bababa na sana ako nang sasakyan nang biglang hawakan ni Miss Lian ang kamay ko.

“You'll be fine.” aniya at doon ko lamang natantong nanginginig na pala sa kaba ang kamay ko. “Malaki ang ipinagbago mo, AM. Mas maganda ka na ngayon kaysa kahapon at nasisiguro kong sa party na ito, Hindi nila mapapansin ang isang Sigrid sa katauhan mo.” aniya at ginawaran pa ako ng isang may paghangang ngiti.

“Tama ka d’yan, Miss Lian.” pagsang-ayon si Mang Orlando. “Aba’y kung hindi dahil sa masayahing batang hatid-sundo ko sa eskwela ay hindi ko malalamang siya pa rin ang batang napakaganda sa aking harapan ngayon.” Kung hindi ko lang nahimigan ang sinseridad sa boses ng driver ko ay iisipin kong binobola lamang ako nito.

Hindi nalalayo ang Edad ng aking Etiquette Teacher at ng aking Driver. Miss Lian is an Old maid already dahil sa Edad na Thirty six at si Mang Orlando naman ay nasa siguro’y Edad Forty na at nakikitaan ko silang dalawa ng tinatawag na Chemistry.

Hays, Miracle! Kailan ka pa naging Matchmaker?

Napangiti nalang ako. “Thank you, Miss Lian, Mang Orlando, pero kailangan ko na talagang pumanhik sa aking silid para magbihis dahil any minutes from now, Maaaring simulan na po ang celebration.”

“Iko-cover-up ka namin, AM. Sige na,” Nakangiting taboy ni Miss Lian sa akin. “Sandali, May Facemask ako rito sa bag kong hindi ko pa nagagamit kaya,” Mabilis niyang binuksan ang kaniyang shoulder bag at inilabas mula roon ang sinasabi niya. “Wear this — ”

“Masisira po ang make-up ko.” Maagap kong putol sa pananalita niya. Hindi ko alam pero bigla akong nagkaroon ng interes na huwag hayaang mawala ang mga nasa mukha ko ngayon. “Huwag kang mag-alala, Miss Lian, Hindi ako kilala ng mga bisita ni Dad.”

She nodded. “Susunod agad ako sa ‘yo.”

Malapad akong ngumiti. Paglingon ko sa pinto ng backseat ay bukas na. Ni hindi ko man lang napansing bumaba si Mang Orlando at pagbuksan ako ng pintuan.

“Thank you po.”

“Lumakad ka na, AM. Susunod ako sa ‘yo dahil baka may bisitang loko-loko na nagawi sa likod ng bahay.”

“Ay, ‘wag na po. Si Miss Lian nalang po ang alalayan ninyo papasok ng bahay at kapag tinanong ako ng mga kapatid ko, Sabihin n’yo nalang po sa likod ako nagdaan.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon