CHAPTER 38 - Hidden keys

3K 172 19
                                    

SIGRID’S POV :

“Apo, may ginagawa ka ba riyan sa loob?” Boses ni Lola Maurita mula sa labas ng bahay.

“Wala naman po, ‘la. May binabasa lang po ako. Bakit po?” Bahagya ko pang nilakasan ang boses ko para marinig ako ni Lola sa labas.

“Lumabas ka muna dito’t tulungan mo kami ng Lolo mong alisin ang ibang mga nakatambak na kagamitan sa kubo natin.”

“Opo. Nariyan na po.” Tugon ko saka mabilis na ipinasok sa bag ko ang librong binabasa ko.

Ano naman kayang naisip ng Lolo’t Lola ko para alisin ang mga gamit ng mga magulang ko sa kubo na ‘yun?

Tumayo nalang ako at naglakad palabas ng bahay. Nadatnan ko namang nakatayo dito si Lola na halatang hinihintay ako.

“Lola?”

“Halika na.” aniya saka nauna ng naglakad.

“Bakit po ba natin aalisin ang mga gamit nila Papa at Mama do’n, Lola?” Tanong ko.

“Mainit ang panahon kaya magandang pahingahan tuwing hapon ang kubo nating iyon, Apo. At saka kailangan din nating alisin ang mga gamit na nakatambak lamang roon dahil baka pamugaran pa ng ahas. Mahirap na.” Paliwanag ni Lola.

“Pero, ‘la, Iyon nalang po ang natitirang mga ala-ala nila Papa at Mama sa atin kaya hindi po natin dapat alisin doon.” kontra ko.

“Apo, Hindi naman natin lahat aalisin. Kumbaga sasalain natin ‘yung maayos pang mga gamit nila at iyong mga hindi na, Itatapon na natin.”

Nagpatangu-tango nalang ako. “Pero bakit ngayon lang ninyo naisipang gawin ‘to, Lola? Ang ibig ko pong sabihin, Bata palang po kasi ako nang mamatay ang mga magulang ko at simula nang magkaisip ako, Hindi ko po kayo nakita ni Lolo na ginalaw ang alinman sa mga gamit na naroon maliban do’n sa isang kuwintas na binigay ninyo sa akin na naiwala ko.” May pagtatakang tanong ko.

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon