CHAPTER 26 - New Job

3.1K 193 10
                                    

HOPPER’S POV :

Paglabas ni Sigrid sa bahay nila kanina ay nagtinginan kami ni Grover. Hindi ko alam kung napansin din ng kakambal ko ang napansin ko pero naging dahilan ‘yun para mag-iba ang awra ko.

“Bakit ang tahimik niyong dalawa?” Biglang tanong ni Sigrid na nasa backseat. “Anong mayro'n? Uy teka, baka napipilitan lang kayong tulungan ako, a?”

I laughed. “Princess, hindi kami magtitiyagang hintayin kang makapagbihis ng parang isang taon kung napipilitan lang kaming gawin ‘to.” i said.

“Magkuwento ka nalang kasi para hindi tayo pare-parehong tahimik dito.” Wika naman si Grover na siyang nagmamaneho.

“Ano namang ikukuwento ko?” Nakangusong tanong ni Sigrid. “Baka mainip lang kayo kapag buhay ko ang ikuwento ko sa inyo.”

Nagtinginan kami ni Grover saka ko binalingan ng tingin si Sigrid.

“Dali na, Sig. Hindi kami maiinip, promise.”

“Magtanong nalang kayo tapos sasagutin ko.” aniya.

“Game.” Nakangiting tugon ko saka ako tumagilid ng upo paharap kay Grover para matingnan ko rin si Sigrid. “First question. Are you ready?” Tanong ko. She nodded with a slight smile. “Okay, Kailan ang birthday mo?”

Biglang humagalpak ng tawa si Grover kaya napatingin kami sa kaniya. “Ang baduy mong magtanong.”

“Shut up.” I snapped out. “Ano, Sigrid? Sagot na.”

“May 16.” She answered.

“Ako naman ang magtatanong.” wika ni Grover. “Sinong first kiss mo— araayy! Bakit ka ba nambabatok, Hopper?!”

“E, puro kabastusan ang alam mo gago ka, e.”

Biglang humalakhak si Sigrid kaya tumigil kami sa pagbabangayan ni Grover at tumingin sa kaniya na parehong kunot ang aming mga noo.

“Bakit ka tumatawa?” Tanong ni Grover sa kaniya.

“E, Kasi ang cute niyong mag-away. Parang aso't pusa lang tapos—

“—tapos ikaw ang daga?” putol ko sa kaniya saka kami nagtawanang tatlo. “Hay nako, Princess. Anyway, Nasaan pala ang mga magulang mo? Bakit sina Lolo Gaudencio lang at Lola Maurita ang nadatnan namin kanina?” Lakas-loob na tanong ko sa kaniya pero nagsisi ako nang mapansin ko ang pag-iiba ng mukha niya. “I'm sorry, Princess. Next question—

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now