Chapter 16

390 15 1
                                    

Chapter 16

First day of August has started. I have two weeks left to review before our midterms. After that issue with our academic paper, Mejia became much angrier and distant to me. But I couldn't care more.

Bahala na kung magalit pa siya sa akin buong school year. Ang importante naman sa lahat ay wala akong ginawa sa kaniya. If she couldn't accept the harsh truth, how much more she can bear facing the cruel world?

Carys and Avianna also confessed that 'that' time, it's their first time seeing me in that state and they got scared of me. Sabi nila na sa mukha lang naman talaga raw ako mataray at hindi sa ugali.

Matapos ang lunch break ay tumambay kami roon sa ground dahil may oras pa naman bago ang first period para sa hapon. Gusto ko sanang mag-aral pero wala ako sa kondisyon na gawin iyon at sayang naman kung pipilitin ko ang sarili ko.

Actually ABM, isn't that hard after all. Hindi mo naman kailangang maging matalino, kailangan mo lang talagang mag-aral ng mabuti at makinig sa guro kasi you will learn eventually. May mga pareho kaming subject sa STEM at HUMMS dahil under din sila sa Academic Track.

ABM enhances our communication skills, confidence, time-management. Our strand equips us with skills such as finance, analytical, collaborative, etc. Overall, it depends on the student if they are struggling or not.

Grabeng pagtii-take down notes ang ginawa namin sa first at second period ngayong hapon, buti nalang at wala kaming pasok sa third period dahil literal na mapapakopya kami sa notebook dahil sa daming sulatin sa board.

Umalis agad si Rafus nang magbell. Napapansin ko narin na madalas siyang lumalabas ng room tuwing vacant. Siguro ay naghahanda rin siya para sa midterms?

If I were him, I would literally escape from here during vacant time. Kinukulit kasi siya ng ibang kaklase namin na kung pwede i-photocopy o kunan ng litrato iyong notes niya. Rafus sternly disagree and prohibits them from asking his notes. Pero ewan at hindi talaga makaintindi ang mga kaklase namin. Maybe they were too desperate, knowing that Rafus' notebooks were complete with notes, cleanly organized, and highlighted.

Iyon din ang dahilan kung bakit marami ang intimidated at nasusupladuhan kay Rafus. Pero para sa akin, kahit na may vibe siya na gano'n, hindi siya suplado na as in suplado talaga. Nasa lugar naman kasi siya.

Tuwing nagkakaroon kami ng exam at hindi ko alam ang sagot sa isang partikular na numero ay malaya niyang ipinapakita sa akin ang papel niya. Alam kong sinasadya niya iyon, at napapangisi nalang kung tapos na akong mangopya.

I saw him genuinely smiling once in a blue moon. And let me tell you this, a smiling Rafus' really a nice view and fascinating. He's handsome wearing that stoical expression, but his handsomeness is another level when smiling.

I won't deny it. I'm attracted to guys who's wearing graded specs, and academically competitive. I really find them handsome. In short, I'm a damn sapiosexual.

And, Rafus is not an exemption. To clear myself, I'm attracted to him but not to the point that he can make me feel things and make my heart race. He's a good catch but someone had already caught my attention.

Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ang bahagyang pagsinghap ng mga kaklase ko. Nag-angat ako ng tingin sa direksyong tinitignan nila. Nakita ko si Carys na papasok sa loob ng classroom at ibang iba ang paraan ng paglalakad niya ngayon, lalaking-laki.

Umarko ang kilay ko nang ngumiti siya sa akin nang magtama ang tingin namin. Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya nang dahan-dahan siyang naglakad palalapit sa akin. Hindi nabura ang ngiti sa labi niya dahilan kung bakit nakuha niya ang atensiyon ng iba pa naming kaklase.

Embraced By The Howling Winds (Antique Series #1)Where stories live. Discover now