TBD 9

1.3K 60 0
                                    

"Anong relasyon niyong dalawa?" tanong ni mom sa akin.

"Wala nga, Mom!" sabi ko, napipikon na. Sobrang nakakainis na talaga!

Kasalanan ito ni Blade Rostam! Dahil sa kanya, bigla na lang umuwi sina Mom mula sa Europe. Nakakainis!

"Huli na ito--"

"Hon, hayaan mo na ang anak mo," biglang sabi ni Dad. "Sige na, Hannah. Umakyat ka na at magpahinga." Niyakap muna ako ni Dad nang mahigpit bago ako umakyat at pumasok sa kwarto ko.

KINAUMAGAHAN.

As usual wala sila mom and dad.

"Hindi ka kakain, Señorita?" tanong niya sa akin.

"Hindi na. Busog ako." sabi ko, saka lumabas ng mansyon.

"Manong, hindi po iyang sasakyan ang gagamitin natin," paliwanag ko, kilala na kasi ito ng mga reporters. "Mas mabuti kung ibang sasakyan ang gamitin namin para hindi kami pagkaguluhan."

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin, ngunit hindi ko sinagot ang tanong niya at tinanggalan ko siya ng tingin.

"Wow, Merida! You look fabulous!" biglang sabi niya, na ikinapula ng pisngi ko.

"Hindi naman," sabi ko, nagtatawa. "Ano nga pala ang nangyari kahapon? Sorry, wala ako, siksikan kasi at hinarangan ng mga guards ni Blade iyong dinadaanan ninyo kaya hindi ako nakasunod."

"Ayokong pag-usapan..." sabi ko, padabog na umupo sa upuan ko.

T-teka?

Bigla akong napatingin sa likuran ko.

WHAT. THE. FUCK!?

"ANONG GINAGAWA MO DITO, WALANGHIYA KA!?" sigaw ko.

"Umuupo? Bulag ka ba?" sagot niya, na nagpapakalma sa akin.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"WHAT are you doing here? Diba sa kabilang room ka?" tanong ko nang mahinahon.

"Pinalipat ako eh, teka nga, bat interesado ka? Crush mo 'ko no?" sabi niya.

"Tss, asa! Bakit naman kita magiging crush? Eh ang panget-panget mo kaya!" sabi ko, pinaikutan ko siya ng mata bago padabog na umupo.

Umagang-umaga, nakakainis talaga siya!

"Bakit inis na inis ka kay Blade?" tanong niya.

"Sa sobrang dami ng rason, hindi ko na masabi, Merida," sabi ko, hindi makapaniwala na tinatanong niya pa ito.

"Tingnan mo oh! May bagong in-upload na picture si Jack Frost! Gray na ulit ang kulay ng buhok niya," sabi niya, excited habang tinitingnan ang phone niya. Jack Frost is my ultimate crush!

Omggg, ang gwapo talaga niya!

"OMG! Mas bagay talaga sakaniya 'yung kulay na 'yan, naa-attract talaga ako sa mga lalaking gray ang hair eh, nakakainlove," sabi ko.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko, nakatingin sa kanya.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Wala, wala—" biglang may announcement sa monitor.

"GUYS, GOOD NEWS! PWEDE NA TAYONG UMUWI KASI MAY MEETING DAW ANG MGA PROF NGAYON!" sabi ng monitor.

"Tara, shopping tayo, Merida!"

"Uhm... eh..."

"Bakit? May pupuntahan ka?" tanong ko.

"Ah... oo, eh sorry, Hannah ah? Pano? Una na ko. Bawi na lang ako next time," sabi niya, saka ako iniwan mag-isa sa kwarto.

The Billionaire's Daughter (Valeria Series 1)Where stories live. Discover now