Chapter 22

61 2 0
                                    

Nagbabasa siya na parang hindi.

Kahit ilang ulit niyang basahin ang topic na  gagawan niya ng report hindi pa rin niya maintindihan ang binabasa.

Nasa canteen si Kalie habang hinihintay ang classmate na si Jenny. May tatapusin kasi silang report na ang totoo ay hindi niya talaga maabsorb.

Kung siya lang ayaw niya ng mag- aral.

Pero nangako siya sa kanyang Nanay na babalik na sa pag- aaral para makalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya sa Maynila.

Isang oras na siya dun pero wala pa rin ang kaklase.

Gusto na niyang umuwi at umabsent na lang sa klase. Pero anong alibi naman kaya ang sasabihin niya sa kanyang Mama Timmy kung bakit siya umabsent.

" Pwede kayang kumanta na lang ako ng kumanta para mabuhay...yung wala ng kailangang gawing assignment o project para pumasa. Walang recitation..walang exam.."

Ilang beses siyang napabuntung- hininga. Alam niyang hindi para sa kanya ang pag - aaral pero alam din niya ang halaga nito.

Kung sana siya si Elie na masipag mag- aral wala sana siyang problema.

Nasa ganun siyang pag - iisip ng biglang dumating si Jenny.

" Sorry. May inutos kasi si mama kaya na- late ako. Sorry talaga , Kalie."

Kahit matagal na siyang naghintay dito hindi naman niya magawang magalit sa kaibigan dahil ngayon lang ito na late sa usapan nila.

" Okay lang. Pero sa library na lang tayo gumawa. Masyadong maingay dito."

Tatayo na sana siya ng biglang pinigilan siya ng isang estudyanteng di nila namalayang nasa likuran na pala niya.

Kahit si Jenny ay wala rin nagawa dahil sapilitan din siyang pinaupo ng isa pang estudyante. Bale limang babaeng estudyante ang nakapaligid sa kanila ngayon.

" So you are Kalie. Yung malanding newbie na feeling close sa boyfriend ko." Si Vanessa, leader ng grupo ng kababaihang sikat sa university hindi lang dahil sa kayamanan kundi dahil literal na bully ang mga ito.

" Sobra ka naman. Hindi malandi si Kalie!" Pagtatanggol pa  ni Jenny sa kaibigan pagkatapos ay dinuro siya sa mukha ng isa sa mga kasama ni Vanessa.

Nang makita ang ginawa kay Jenny ay galit na hinarap niya si Vanessa.

" Sinong bang boyfriend mo? Sobrang gwapo ba nun para kulang na lang itali mo sa panty mo? "Matapang na sabi niya kay Vanessa. " Ah alam ko na ikaw yung girfriend ni Mark. Kawawa naman pala siya dahil ikaw ang girlfriend niya. At sa  ginagawa mo .....parang ikaw yata yung humahabol. Hindi ka ba niya gusto?"

Hindi niya na mapigil ang matalim niyang dila sa pagsasalita.

Kita niya sa mukha ni Vanessa ang inis sa sinabi niya. Pero hindi pa siya tapos.....dahil hindi nagpapatalo si Kalie sa kahit na kanino.

" So mas malala ka pa sa sakin..atleast ako hindi desperada. " Saglit siyang tumigil at naghihintay sa reaksiyon nito na namumula na sa galit.

Nakita niya kung paano tila umusok ang ilong nito sa galit dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, hindi ka na nakuntento kay Pat...pati si Mark nilalandi mo.."

Hawak pa rin ng dalawang estudyanteng babae ang magkabila niyang braso kaya di siya makagalaw.

Pero hindi yun hadlang para hindi makawala ang natatalim niyang banat kay Vanessa.

" Correction. Nilalapitan hindi lumalandi.And that is not my fault anymore."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now