CHAPTER 1: the switch

260 10 0
                                    

KALIE POV

Ang sakit ng buo kong katawan.
Bakit naman hindi, sa dami ng nilinis ko kahapon at hinugasan talo ko pa ang binugbog at nakipagrambulan.

Tatlong araw na akong nandito sa bahay ng kambal kong si Ellie. Simula ng magkita kami three months ago....pinilit niya akong magpanggap bilang siya.Hindi ito ang una kundi pangatlong beses .Ang totoo, gusto niyang umuwi na ko kaya lang hindi pwede dahil marami akong tinatakasan sa buhay . Pinilit ko siyang mangako na huwag sabihin sa mga magulang namin ang nalaman nya sakin kung hindi, di na ko magpapakita sa kanya.

Medyo magulo dito sa bahay nila Ellie.
Dumating kasi ang soon to be magiging biyenan niya...yun bonggang handaan ang ginawa ni mama. Pero akala ko ako ang bida .....ay si Ellie pala ang bida sa okasyon na yon dahil tungkol sa wedding engagement ang pinag- uusapan nila, yun pala ako ang magiging bida sa hugasan at ligpitan.Napakarami kasing niluto ni mama para sa mga bisita.

Dapat si Ellie ito eh...ang daya ng babaeng yon kaya pala nagmamadaling umalis at nagbakasyon pa sa malayong probinsiya ay dahil umiiwas ito sa mga future- in- laws niya. Lagi niya akong nilalagay sa alanganin.

Second time kong makikita ang fiance niya. Nakakatakot dahil baka mabuko nila ang pagkakaiba namin ni Ellie.
Hindi ko papayagan yun dahil ayokong mawala ang kalayaan ko bilang si Kalie para itali sa isang kasunduan kasama ni Seth , ang mapalad na lalaking magtitiyaga sa kakulitan ni Ellie.

End of POV

"Ang sakit ng katawan ko ...bakit para akong binugbog ng sampung kabayo..Dapat mganda ang pasalubong mo sakin Ellie kung hindi....di na ko papayag na makipagpalit pa sayo" paghihimutok pa ni Kalie sa kapatid na nasa malayong probinsiya. Ninanamnam ang saglit nitong kalayaan.

Pinipilit niyang idilat ang mata. Antok na antok pa kasi siya dahil sa gabing gabi na nag- aya matulog ang mga kasama niya sa bahay.

Nagsimula siyang mag- inat nang may maramdaman siyang katabi sa higaan. Lilingunin sana niya ito pero bigla siya nitong sinipa kaya nalaglag siya sa kama.

Gulat na gulat siya kaya hindi na siya nakapag salita. Hinimas niya ang balakang at saka hinarap ang taong sumipa sa kanya.

"Sino?????....."

Di niya natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang nasa kama niya..

Si Seth...

"Paanong nandito yan?" Naitanong ni Kalie sa sarili.

Napasigaw siya sa ideyang natulog ito sa tabi niya.

"Aaahhhhh......mamaa....."

Naalarma ang mga kasama niya sa bahay ng sumigaw siya. Anim lang naman sila sa bahay ; ang  mama at papa ni Seth, ang mamat papa niya , si Seth at siya. Naiwan sa kusina ang mama't papa ni Seth habang ang mama't papa nila ang umakyat sa kwarto niya.

Nagising din ang binata sa ingay niya. Pero parang wala lang dito ang ikinagagalit niya.

"Bat ba sumisigaw kang bata ka?" Nag-aalalang tanong pa ni Sonya, ang mama ni Kalie at Ellie, sabay sulyap kay seth.

"Yang lalaking yan natulog sa tabi ko tapos sinipa pa ako sa kama kaya nalaglag ako!"

Parang bata na nagsusumbong si Kalie sa ina.

Tumingin sa kanya si Seth at nagsalita.

"Good morning tita"

Napakaganda ng smile nito kay Sonya kaya lalong nainis si Kalie.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now