Chapter 21

150 5 1
                                    

Magkatabi sila sa kama, magkahawak kamay. Mahigpit ang hawak ni Seth sa kamay niya.

Pagkatapos ng halik na yon, pagkatapos ng pag-amin ni Seth hindi talaga alam ni Kalie ang sasabihin.

Para pa rin siyang nananaginip. Yung lalaking ikakasal sa kanyang kapatid, umiibig sa kanya.

HIndi iyon tama. Hindi iyon pwede.
Hindi niya magagawang tuluyang angkinin ang para sa kapatid niya.

Pinilit niyang bawiin nag kamay niya pero mahigpit ang hawak dito ni Seth. Nilingon niya si Seth pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

Seth: Kahit anong gawin mo hinding -hindi ko bibitawan ang kamay mo.

Kalie: Pero Seth....hinding-hindi ko sasaktan ang kapatid ko.

Seth: Pero selfish ako eh , hinding hindi ko pahihirapan ang sarili ko kung alam ko namang gusto mo rin ako.

Hindi makapaniwala si Kalie sa narinig. Anu daw, selfish siya at wala siyang pakialam kay Ellie .

Nakaramdam siya ng inis ng sabihin ito ni Seth sa kanya.

Kalie: Hindi mo ba nakita ang kalagayan ni Ellie. Ako ang dahilan bat siya nagkaganun. Fiance ka niya at siya ang dapat mong magustuhan , hindi ako.

Tinignan niya si Seth at hindi ito natitinag sa pagtitig sa kanya.

Sinuntok niya si Seth ng malakas sa may dibdib. Nakita niyang nasaktan ito.

Pero imbes na magalit sa ginawa niya, ngumiti lang ito.

Seth : Alam mo bang higit pa dito ang sakit na pwede kong maramdaman kung ipipilit mong ilayo ang sarili mo sa akin. Kaya kung maging tapat kay Ellie. Kaya kung maghintay kung hindi mo pa sigurado yung damdamin mo para sakin.....ang hindi ko kaya...

Naramdaman nya ang paghigpit ng hawak ni Seth sa kamay niya.

Seth: Yung magpapanggap ka na naman na para bang walang nangyari.....hindi mo pwedeng dayain ang sarili mo ng habang buhay.

Nagpumilit siyang bitawan nito ang kamay niya. Tumayo si Kalie at aktong lalabas na ng pinto ng magsalita uli si Seth.

Seth:  Namimiss ko na yung Kalie na minsang nagpanggap na si Ellie. Namimiss ko na yung babaeng hindi papayag  na malamangan ko, yung babaeng masarap asarin dahil madali siyang mapikon. Namimiss ko si Kalie hindi si Ellie .....ikaw ang hinahanap ng puso ko, Kalie. Ikaw ang gusto ko.

Saglit itong huminto at tila humugot ng lakas para maglabas ng damdamin para sa kanya.

Seth: Kahit kelan ba hindi mo ko nagustuhan? Sabihin mo sakin kung pano mo ba ko magugustuhan....gagawin ko.

Tumayo si Seth at niyakap siya mula sa likod.

Seth: Alam kong mga bata pa tayo para sa seryosong relasyon. Hindi kita mamadaliin....hayaan mo kong kilalanin kita para makilala mo ko.

Kalie: Hindi na mangyayari yon dahil lalayo na ko...

Kinalas niya ang pagkakayap ni Seth sa kaniya.

Hindi naman siya manhid.
Pero nanggaling na rin kay Seth, bata pa sila. Marami pa siyang gustong gawin. At hindi kasama si Seth sa plano niya.

Hindi siya manhid.
Gusto niya si Seth.
Pero hindi sapat yon para agawin ito sa kambal niya.

Kalie: Si Ellie ang para sayo at hindi ako...wag ako ang gustuhin mo..

Napangiti si Seth at napapailing sa sinabi niya.

Seth: Ayoko...dahil ikaw ang gusto ko.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo rin ako...

Kalie: Hindi yan tototo?

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now