CHAPTER 11

41 0 0
                                    

Magdamag siyang umiyak dahil sa nangyari.
Alam ni Ellie na wala siyang karapatang magalit dahil sa paglilihim ni Seth at Poy....pero pakiramdam niya kahapon dalawang beses siyang na broken- hearted. Mas masakit lang ang kay Poy dahil gusto niya talaga ang kaibigan.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang importanteng tao sa buhay niya- si Kalie.

Ellie : Magkita tayo. Ngayon na , please.

Ala-sais pa lang ng umaga.
Natutulog pa si Seth ng mga oras na yon pero gising na ang mamat papa niya.

Ellie: may bibisitahin po akong kaibigan pero uuwi din po ako

Sonya : ayaw mo bang magpahatid?
Ellie : hindi na ma...okay lang talaga

Sonya : ingat ha..

Hinalikan siya nito sa noo.

Ellie: Ma, babalik po ako..

Sonya : oo alam ko kaya mag ingat ka..

Ellie : Bye, Ma.

Bakas sa mukha ni Ellie ang lungkot niya.
Pero kelangan niya kahit saglit lang para mag isa.
Ayaw muna niyang makita si Seth o kahit na sinong konektado sa puso niya.

Sa kabilang banda, labis naman ang pagtataka ni Sonya sa ikinikilos ng anak.

Sonya : May problema kaya siya? Pero kung meron mam tiyak naman na hindi magsasabi yon sa kin...

Sabi nga nila malakas daw ang instinct ng mga nanay kaya siguro ramdam din niya ang lungkot na nadarama ni Lie.

Nagtungo si Ellie sa apartment ni Kalie.
Sakto lang naman ang laki ng apartment na yon para sa isang tao. Pero gaya ng buhay ni Kalie magulo at makalat ang lugar na yon.
Lagi kasing wala sa bahay si Kalie kaya di niya na minsan iniisip ang maglinis.

Kalie : Anong ginagawa mo dito, wag mong sabihin sakin na tungkol yan sa nangyari kahapon?

Ellie- Gusto mo bang maging ako Ate....kasi ako gusto kong maging ikaw .

Nagulat ito sa sinabi ng kakambal.
Seryoso ito dahil seryoso ang mukha nito.

Kalie : Sira ka talaga. Balak mo bang takasan ang problema mo?

Ellie : Bakit, ikaw din naman tumatakas?

Natigilan siya sa sinabi ni Ellie dahil may bahid ito ng katotohanan.

Kalie : tumakas ako at nagtago dahil buhay ko nakataya dito, èh ikaw puso mo lang kaya hindi tayo parehas

Ellie : Kahit ngayon lang ulit Lie!

Nagulat si Kalie dahil tinawag siya ng kakambal sa palayaw niya. Pareho sila ng nickname....at nung unang araw na magkita sila sinabi niya kay Ellie na wag siyang tawagin sa palayaw niya dahil para sa kanya isa lang dapat ang maging si Lie.

Ellie: Simula ngayon ikaw na si Lie at ako na si Jade. Ate kita, mas nauna ka sakin ng 20 minutes nung pinanganak tayo so dapat magpaubaya ako sayo. Isa pa marami kaming utang sayo nila mama at papa. Kaya hayaan mo na kong tawagin kang Lie..Ate Kalie.

Natawa naman siya dito.
Ang totoo,natutuwa siya sa kabutihan ng kapatid.

Sixteen years silang nagkahiwalay pero dahil sabi nga nila may special bond daw na nag- uugnay sa kambal ...kahit ang panahon hindi sila napigilang di magkita.

Kalie: bahala ka

Ellie: payag ka na? ( excited )

Kalie: wala naman akong magagawa nandito ka na

Nayakap siya ng kapatid sa tuwa.

Ellie : thank you ...di ka magsisisi
Alam kong gusto mo rin namang makasama ulit si mama and papa.
Isa pa ayaw ko munang makita si Seth ...lahat sila.

Hinawakan ni kalie ang pisngi ng kapatid at kinurot ito.

Kalie: walang iyakan...sige na pahinga ka dito ...wag kang lalabas ng apartment ha, bawal.

Abot tenga ang ngiti nito kahit halata pa rin ang namumugtong mga mata.

Agad silang nagpalit ng damit.
Dahil kambal wala namang makakaalam na nagpalit sila. Isa pa wala rin namang nakakalam na may kakambal si Ellie.

Pinasadahan ni Ellie ng tingin ang kapatid.

Ellie : ikaw na uli si Ellie at ako naman si Kalie....

Kalie: ngayon lang ulit to ha..
Alam mo namang ayokong lumugar na sa pwesto
mo.

Sa dami ng masalimuot na bsgay na nangyari kay Kalie ni minsan hindi niya hinangad na maging kanya ang buhay ng kakambal.

Oo, galit siya sa mundo at sa mga tao sa mundo niya pero hindi siya kailanman magagalit sa kapatid.....dahil mahal niya ito.

Sa school..

Normal naman ang araw ni Kalie sa school. Sino ba ang makakahalata ma hindi siya si Ellie kung iisa ang kanilang itsura.

Pagkatapos ng klase ay dumitetso siya sa bahay. Nagtext sa kanya si Ellie na hindi raw uuwi ang parents niya dahil sa biglaang meeting , si seth naman ay nasa bahay nila. Ang katulong ang kasama niya sa bahay.

Kalie: mas okay na wala sila

Kung mahirap ang buhay ko mas komplikado pala ang sayo Ellie...ang sakit sa ulo mag - aral.

Dumiretso siya sa second floor. Sa kwarto ni Lie.
Nagpalit siya ng damit.
May narinig siyang ingay sa kwarto ni Seth.

Kalie- akala ko ba wala siya

Pumasok siya sa kwarto ni Seth upang tignan kung talagang wala nga dito ang lalaki.

Napansin niya ang picture ni Seth. Kinuha nito ang frame at matagal na tinitigan ang larawan.

Kalie: gwapo talaga ....kaya di ko masisi ang ibang babae na ma - attract sayo..

Nasa ganun siyang ayos ng biglang may magsalita sa likod niya.

Si Seth.

Seth : Hindi pa ba sapat na araw araw mo kung nakikita...kelangan mo pang titigan picture ko..

Sa gulat ni Kalie nabitawan niya yung frame sa sahig at nabasag ito..

Tinangka niya itong pulutin pero nahiwa siya ng bubog..

Dali -daling kinuha ni Seth ang daliri niya at isinubo para maampat ang dugo.
Hindi yon inasahan ni Kalie kaya naitulak niya si seth sa kama.

Gulat din si Seth sa naging reaksiyon ng inaakala niyang si Lie.

Tumakbo siya at pumasok sa kwarto ni Kalie.

Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Kalie : Lokong yon ah...iisahan pa ko..

May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan niya dshil sa ginawa ni Seth.

Hawak ang tapat ng dibdib...dinig niya ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso.

Kalie: hindi ikaw si Ellie tandaan mo yan..

Pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama.

Kalie- nakauwi ka na ulit Lie, masaya ka na ba?wag ka masasanay dahil hindi ikaw si Ellie.

Naisip niya ang dating buhay.
Mahirap ito. Komplikado.

Kalie- paano kaya kung ako ang naiwan dito...at ako ang unang nakilala ni Seth? Paano kaya kung di ko na kailangan magtago....pero hibdi iyon mangyayari dahil kahit na anong gawin ko ikaw pa rin si Kalie.....at gusto ko mahalin ako ng mga tao bilang si Kalie....dahil ako si Kalie.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora