CHAPTER 2: in her shoes

110 4 0
                                    

ELLIE POV

Boring na buhay....
Boring na lovelife..
Boring na buhay na meron ka Ellie...
Hay naku Ellie Jade....kailan ba magsisimulang magbloom ang lovelife mo?
ni hindi ka nga naligawan pero nagkaroon ka ng instant boyfriend....

Si Seth ...perfect sana siya kung gusto ko siya eh kaso yung puso ko parang kay Poy lang to nagkagusto ..

Poy kasi bakit ba nag manhid mo?
Ang tagal na nga nating magbestfriend di mo pa rin magets yung damoves ko..

Kasalanan mo to Kupido.....nung pinana mo ang puso ko, lumihis yung isang pana mo hindi tuloy tumama sa Popoy ko.

Grabe ....ang shaket shaket bakit kasi hindi ako puwedeng maunang umamin sayo...unfair na buhay to...

Malapit na si Ellie sa destinasyon niya. Yun ay ang resort ng kaibigan ni Kalie na minsan nitong naikuwento sa kanya.

Gusto ni Ellie ang buhay ng kapatid dahil feeling niya nagagawa ng kapatid ang lahat ng gusto niya. Pero mali, mali ang akala niya. Dahil ang totoo, mukha lang siyang masaya...pero nag totoo patuloy lang si Kalie sa pagtatago para takasan ang nakaraan nito.

Mga taong nagpahirap sa buhay niya at magpapahirap pa.

Hindi naman siya magtatagal dito. Gusto niya lang talaga ng adventure sa buhay niya katulad ni Kalie. Yon ang kulang sa kanya kaya gusto niya ng buhay ng kakambal.

..
..
Sa school....

Si Kalie ang pumasok sa klase imbes na si Ellie. Ayaw na ayaw pa naman niya ang mag-aral hindi dahil mahina siya sa klase. Ang totoo, madalas kasi siyang mapa- away noon. Lapitin kasi siya ng gulo pero hindi ang tipo niya ang uurong sa laban kaya ang ending....siya ang madalas sa guidance office.

Hindi siya lumabas ng kwarto para mag breaktime kaya pinuntahan siya nina Sab at Poy.

"Bat nandito kayo...wala na ba kayong klase. "

Inakbayan siya ni Stephen (Poy) kaya medyo kinilig siya.

"Kelan ka ba namin nakalimutan ni Sab."

Bahagya pang ginulo ni Poy ang buhok niya.

"Tinatamad na akong pumasok sa last na klase ko, baka umuwi na lang ako." Sabi pa ni Kalie.

Ang totoo, alibi niya lang yon para makaiwas sa mga taong di naman talaga pamilyar sa kanya. Lalo na kina Sab at Poy, medyo ingat siya dahil baka mabisto nito ang pagkakaiba nila ni Ellie.

"Eh di sama na lang kami. .....manood na lang tayo ng sine" suhestiyon pa ni Sab.

Hindi sang-ayon dito si Poy pero wala na rin siyang klase kayat hindi na siya magiging killjoy sa dalawa.

"Sige treat ko today...pero hindi na kayo pwedeng umabsent sa susunod na araw ha kundi sakin magagalit sina Tita Sonya at Tita Belle. Baka isipin nila kinukunsinti ko kayong dalawa."

Napa-yes si Sab sa sinabi nito. Bukod sa pagiging mabait at malambing na kaibigan ...galante rin si Stephen sa dalawa niyang girl bestfriend.

Inayos na ni Lie ang gamit niya. Nagulat pa siya ng isuot sa kanya ni Poy ang black cap na suot nito kanina. Hindi siya nagpahalata na nailang siya sa ginawa nito. Di naman kasi sila kasi close...

Napaka-natural nang pagiging sweet nito, kaya pala naman na inlove ang kambal niya dito.

"Kung nandito lang si Ellie siguradong tatalon ang puso noon. Kaya lang di ako siya kaya hindi tayo talo." Sabi pa ni Kalie na nakatingin kay Stephen.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat