CHAPTER 8

41 1 0
                                    

Parehong nagising ng maaga sina Seth at Kalie dahil parehong maaga ang klase nila.

First year college student si Ellie sa kursong Fine arts habang Second year college student naman si Seth sa kursong Business Administration.

Kalie- kung hindi nyo ko ihahatid sino maghahatid sakin sa school?

Seth - Ako.

Napalingon siya sa likod ng magsalita si Seth.

Seth- Sasabay ka sakin sa pagpasok at pag- uwi. Except kung may lakad ako then sila tito ang susundo sayo..so wag kang makulit at gagawa ng kalokohan dahil bantay sarado ka sakin

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito.
Kalie(mind)- pag bumalik ka talaga Ellie never na akong papayag na magpalit uli tayo ng pwesto.

Tumingin siya kay Seth.

Kalie(mind)- bakit ganito ito magsalita? Bakit parang punong- puno ng authority yung pagsasalita niya habang kausap ako...talo niya pa papa ko...

Nilapitan siya ng mama niya at binulungan.

Sonya- Ang sweet ng future son-in- law ko noh....kaya wag kang pasaway ha.....be a good girl, sweetie.

Kung makulit si Seth mas makulit ang mama nila . Botong - boto talaga ito kay Seth na maging manugang ni Ellie.

Napapabuntunghininga na lang siya dito.
Mahal na mahal talaga ng parents niya si Seth...at gustong gusto naman si Ellie ng parents nito.

Ang kulang na lang talaga ....yung magkagustuhan ito at ng kambal niya.. Because whether she like it or not...ikakasal si Ellie kay Seth.

Sa kotse....
Seth- kumusta ang tulog mo. Did you dream about me?

Naalala pa niya yung nangyari kagabi.
Yung halik, yung sinabi nitong gusto siya nito.
Hindi niya sigurado kong totoo yon or parte lang yon ng trip nito.

Masyadong gwardiyado ang puso niya pagdating kay Seth dahil ayaw niya pang mainlove...Sa totoo lang NBSB siya, no boyfriend since birth. Isa pa kaya nga siya umalis sa probinsiya dahil sa kakaiwas sa lalaking pilit siyang ginigipit para lang pumayag na maging sila.
Kaya sinara muna niya ang puso sa ideya ng pag- ibig. Para tahimik ang buhay niya.

Napasulyap siya kay Seth bago nagsalita.

Kalie- asa ka pa!

Ngumiti ito.Pilyong ngiti.

Seth- Did you still think of that kiss last night?

Kalie - wala akong maalala...

Napangiti si Kalie bigla kasi may naisip siyang kalokohan.

Kalie- Actually I had a good dream last night.

Seth- whats that? ( curious )

Umayos muna ng upo bago nagsalita.

Kalie- meron daw akong katabing malaking teddy bear pero yung mukha ng teddy bear kamukha mo..

Huminto muna siya at tumingin kay Seth bago magpatuloy sa pagsasalita.

Kalie- and then....sa sobrang gulat ko hinagis ko daw yung bear..pinagtadyak- tadyakan ko, then sinuntok ko daw ng ilang ulit hanggang sa...

Napahinto siya ng marealize na minumuwestra pa niya ang ginawa sa panaginip kuno....nakatingin na sa kanya si Seth. Masama ang tingin nito sa kanya.

Seth- tuwang tuwa ka sa panaginip mo ha,
Sino nga ulit yon? Yung tinadyakan mo at sinuntok - suntok mo.....ako ba yun?

Tahimik lang si Kalie.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now