CHAPTER 6

73 3 0
                                    

Hindi agad muna umuwi si Kalie sa bahay dahil baka bawian siya ni Seth sa pagsipa niya sa harapan nito. Kaya kahit maaga pa natapos ang klase niya ay minabuti niyang sumama kina Poy at Sab sa library.

Uuwi siya kapag nasa bahay na rin ang mama't papa niya.

Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa kanila ni Santina.

Lie- ang babaeng yon....hindi talaga ako titigilan hanggat hindi niya napapatunayang mas mahusay siya kay Ellie....eh kasalanan ba ni Ellie na boses ipis siya ..
Ang sakit ng sampal niya.....pasalamat siya may mga alagad siya. Kung nagkataon mag-isa siya at sinampal niya ko....hindi lang mag -asawa kundi isang pamilyang sampal pa ang ibibigay ko sa kanya.

Mabilis ang biyahe niya.
Nag- taxi lang siya dahil hindi pa dumarating yung bagong driver na kinausap ng papa niya kapalit nung dati nilang driver.

Nakita niya agad ang kotse ng papa niya kaya natuwa naman siya. Tama, kung maari hahanap siya ng paraan para maiwasan si Seth. Yun ang the best strategy na alam niya ngayon.

Lie-Yes!...Andito na sila papa , safe na ko . Akala siguro ng seth na yon mas wais siya sakin.....si Kalie Alexa kaya to..
Hindi uubra sakin ang style mo..

Masaya siyang pumasok sa loob ng bahay.
Nasa dining area na ang lahat.

Sonya- Oh Lie, ibaba mo muna yang gamit mo para makakain ka na. Espesyal ang dinner natin dahil niluto lahat yan ni Seth.

Literal na napanganga siya sa narinig.

Isa- isa niyang pinasadahan ng tingin ang pagkain sa mesa.

Lie( mind)- abat tignan mo nga naman....bukod pala sa pang- aasar may talent din pala ang mokong na to...infairness ha pang hotel ang alam nitong pagkain.

Matamis ang ngiting tinawag siya ni Seth.

Seth- Lie, what can you say about the food ?

Hindi niya ito pinansin bagkus nagpatuloy siya sa pagtikim ng pagkain..

Sonya- Seth is asking you about the food?

Nagulat siya ng biglang paluin ng mama niya ang kamay na busy sa pagkuha ng pagkain..

Lie- mama naman..

Sonya- hindi ka ba nahihiya sa fiance mo...show some manners!

Tinignan ni Lie si Seth.

Kalie( mind ) - hindi ko naman siya fiancee.
Naka- smile pa rin ito.
Nang- aasar na smile.

Lie- Sorry ma....

Umupo na lang siya at tahimik na kumain.

Felix- kumusta naman ang araw mo Seth, do you already had friends in school?

Seth- Actually I've met some good people in school..and I have discovered something about Lie today..

Nag- angat siya ng ulo at mabilis na nilingon si Seth.

Lie(mind)- natatakot yata ako sa sasabihin ng lalaking ito ah.....umayos ka Seth nasa harap mo lang ako. ...

Seth- I discovered na for short period of time Lie became very famous in school...so I decided to extend my stay in your house so I had enough time para makilala ko pa siya.
But that is if you allow me to do that?

Napatigil si Kalie sa pagsubo ng pagkain.
Um-echo yata sa tenga niya yung word na extend....Sinipa niya ang paa nito mula sa ilalim. Walang itong reaksiyon sa ginawa niya.

Seth(mind)- that is for hurting me earlier in school....I told you i will make you pay

Lie( mind)- mag-extend ka pa , yung three days nga nakakabaliw ka ng kasama nagrequest ka pa ng extension....naku Ellie bumalik ka na please......
Alam kong hindi ako naging mabait nung elementary at high school........pero mabait pa rin ako ng konti kesa sa mga bully kong classmates
At itong kaharap niya mas bully pa ito kesa sa bully niyang classmates sa tingin niya...gwapo lang ......gwapo sana kaso kainis siya.

MARRYING THE CAMPUS NEWBIE( Editing)Where stories live. Discover now