; end

34 1 1
                                    

namukhaan ko agad ang itsura ng desk ko kaya't napagtanto kong nasa classroom ako.

inangat ko ang tingin ko't...

walang ibang tao kundi ikaw at ako.

nakatayo ka sa harapan at tiningnan mo ako. ngumiti ka muna, bago mo dahan-dahang ibinuka ang bibig mo.

; ꜰʟʏ ᴍᴇ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴍᴏᴏɴ

nagsimula kang kumanta..

ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ᴘʟᴀʏ ᴀᴍᴏɴɢ ᴛʜᴇ ꜱᴛᴀʀꜱ

pinagmasdan kita habang umaawit ka't damang-dama ng puso ko ang napapakinggang kanta.

ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱᴇᴇ ᴡʜᴀᴛ ꜱᴘʀɪɴɢ ɪꜱ ʟɪᴋᴇ ᴏɴ ᴊᴜᴘɪᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ᴍᴀʀꜱ.

tila nakapinta na ang ngiti sa iyong mukha, sapagkat hindi na ito muling natanggal pa magmula nang madapo ang tingin mo sa'king mga mata.

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ʜᴏʟᴅ ᴍʏ ʜᴀɴᴅ

unti-unti kang gumalaw, humahakbang ka nang maliliit, nakatingin at papalapit ka sa'kin.

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ʙᴀʙʏ ᴋɪꜱꜱ ᴍᴇ

nilahad mo ang kamay mo't daglian kong tinanggap. unang pagdikit palang ng balat natin ay naramdaman ko agad ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan. ramdam na ramdam ko ngayon ang lambot ng kamay mo't pati na rin ang damdamin mo sa pagkanta.

ꜰɪʟʟ ᴍʏ ʜᴇᴀʀᴛ ᴡɪᴛʜ ꜱᴏɴɢꜱ ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱɪɴɢ ꜰᴏʀᴇᴠᴇʀᴍᴏʀᴇ.

hinila mo akong papalapit sa'yo't ipinwesto ang kamay mo sa beywang ko. nanatiling magkahawak ang kabilang kamay natin at inangat mo ito. sinayaw mo ko habang kinakanta mo ang paborito mong kantang ialay sa'king galing sa puso mo.

ʏᴏᴜ ᴀʀᴇ ᴀʟʟ ɪ ʟᴏɴɢ ꜰᴏʀ,

idinikit ko ang tenga ko sa dibdib mo't pinakinggan ko ang tibok ng puso mo..

minsa'y bumibilis at minsa'y bumabagal.

minsa'y lumalakas at minsa'y humihina.

ᴀʟʟ ɪ ᴡᴏʀꜱʜɪᴘ ᴀɴᴅ ᴀᴅᴏʀᴇ.

tila nagpapalakpakan ang tenga ko't sumasayaw naman ang puso ko, ngayong magkasama tayo't hawak mo ang kamay ko.

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ,

hinihiling kong sana'y ganito nalang tayo palagi at hindi mo na bibitawan ang kamay ko.

ᴘʟᴇᴀꜱᴇ ʙᴇ ᴛʀᴜᴇ.

kakantahan mo ako't papakinggan ko, maging ang tibok ng puso mo.

dadamhin kong maigi ang pagmamahal mo't susulitin kong nakikita ko ang mga ngiti mong matamis at totoo.

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ,

sana'y 'wag nang matapos 'to.

"ɪ ʟᴏᴠᴇ ʏᴏᴜ.."

kasabay ng hiling ko'y natapos ang kanta mo..

akala ko'y 'yun na 'yon, pero may naramdaman akong malambot sa noo ko, at ito ang labi mo.

sana ay ulit-ulitin mo...

ang hiniling ko kaninang 'wala sanang bibitaw ay hindi na matutupad pang muli dahil unti-unting lumuwag ang mahigpit na hawak mo sa kamay ko.

dahan-dahan ka ring lumayo at ngumiti... ang pinakamatamis sa lahat.

hindi ko nakayanang ngumiti pabalik kahit naging masaya ang sandali, sapagkat alam kong ito na ang huli.

kumaway ka, bago ako mapadilat at magising.

pinilit ko nalang ring ngumiti,

ngayong alam kong nasa buwan ka na't inaalayan mo ng kanta ang mga bituin.

- end.

f ly m e to t he m oo nWhere stories live. Discover now