; seventh

16 2 0
                                    

ano pa nga bang punto ng mga batas ko kung hindi ko rin naman nasusunod?

mga batas kong halos araw-araw ay nilalabag ko..

halos araw-araw ay kumukupit ako ng ilang segundo para masulyapan ka't mapangiti naman nang bahagya ang pusong naghihirap nang mabuti.

hindi ba dapat ay lubus-lubusin ko nalang rin?

gayong hindi ko naman alam kung alin sa mga araw na to ang huli..

hindi ko alam kung alin sa ngiti mo ang huli kong masisilayan..

hindi ko alam kung hanggang kailan ako malulunod sa malalalim mong mata..

hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kakayanin ang lahat..

hindi ko alam.. kung hanggang kailan pa ako magtatagal.

ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

sa mga araw na lumilipas ay mas nahihirapan lang ako..

habang nahihirapan ako'y mas iniisip ko na hindi na kita masisilayan muli...

at sa araw na to'y mas lumalala lang..

patuloy na nararamdaman ang paiba-ibang tibok ng puso.. para bang paulit-ulit na lumalaktaw sa isang tibok..

pinilit ko lamang na kayanin ngayong araw, dahil baka hindi na kita makita pa..

nabahiran ako ng lungkot at kasabay nito ang gaan sa loob nang tumunog na ang hudyat para magsi-uwian na ang lahat..

'di sinasadyang nadaanan ka ng mata ko, kaya't mabilis itong napako sa kabuuan mo..

pinagmasdan kitang magpaalam sa mga kaibigan mo.. sana pati sa'kin ay nakapagpaalam ka rin..

sinundan kita ng tingin hanggang sa marating mo ang pintuan.

laking gulat ko nang lingunin mo ko..

"ito na ang huli.." bulong ko sa sarili ko..

huling hiling ko lang ay sana'y 'wag kang malulungkot..

panatilihin mo nalang sanang malapit ang puso ko sa'yo.

ngumiti ka nalang sana, tulad ng mga ngiti mo noon.

mga ngiti mong hahanap-hanapin ko kapag nawala na ako.

nginitian kita.. ngiti ng pagpapaalam ko..

f ly m e to t he m oo nWhere stories live. Discover now