; fourth

17 2 0
                                    

minsan, hindi ko na alam kung dapat pa ba 'kong matuwa na pinagtutulakan parin tayo sa isa't-isa kasi kahit papaano, dun nalang tayo nagkakalapit.

hindi ko kasi maiwasang lumambot at lumabag ng ilan sa mga batas ko...

hindi ko namamalayang dumapo nanaman pala ang mata ko sa mga mata mong tila ba pagkaraming bituing nakapaloob rito--isang sansinukob.

hindi ko rin alam kung paano ba pipigilan ang pagpula ng tenga't mukha ko..

hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa matitiis ang hindi pagpakita ng nararamdaman ko..

at hindi ko rin alam kung bakit ba kailangang mangyari sa'kin to..

na dapat ngayon ay hawak ko ang kamay mo't hahayaang maglayag ang puso sa kailaliman ng pag-ibig mo..

na dapat ngayon ay ako ang laging magiging sanhi ng pagkurba ng mga labi mong aabot sa mata't hanggang tenga... pero kabaliktaran ata..

ako pa ang dahilan kung bakit ka lumuluha..

kaya sa pang-isang bilyong pagkakataon,

pasensya na..

kung ang mundo mong makulay ay binahiran ko ng itim at puti simula nang lumisan ako sa tabi mo..

pasensya na kung hanggang pagpapasensya nalang ang nagagawa ko sa ngayon..

kung sana lang ay naririnig mo ang paiba-ibang pagtibok ng puso ko'y maiintindihan mo,

na mahal kita, pero..

magulo ang mundo ko't tadhana'y natin ay malabo..

f ly m e to t he m oo nTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon