; eigth

19 1 0
                                    

wala na akong ibang matandaan kundi ang paglagapak ng katawan ko sa malamig na sahig..

malabo ang lahat kapag pinipilit kong tingnan.. wala rin akong marinig na maayos, 'pagkat lahat ng sigaw at pagsasalita ng mga tao sa paligid ko'y hindi ko maintindihan. nagmimistulang bulong ang mga hiyaw nila..

naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko.. sa tingin ko'y binuhat nila ako.

tila isang palabas ang lahat, dahil sa bawat pagpikit at pagbukas ng mata'y nasa ibang lugar na ako..

hindi ko na siguro namamalayan kung saan ako dinadala.. hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko..

pagmulat ko'y puting-puti ang nakita ko..

nahalata ko agad na nasa ospital na ako.

laking gulat kong buhay pa ko..

'ilang araw kaya ako nanatiling tulog sa silid na ito?' tanong ko sa sarili nang masulyapan ko ang kalendaryo..

sa puntong ito'y ikaw lang ang iniisip ko.. kung sana'y alam mo kung nasa'n ako, hindi ka na malulungkot pa't 'di mo na iisiping iniwan kita..

pinikit ko ang mga mata't inalala ang paborito kong parte mo... ikaw mismo..

; ꜰʟʏ ᴍᴇ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴍᴏᴏɴ

nagsimula akong kumanta..

ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ᴘʟᴀʏ ᴀᴍᴏɴɢ ᴛʜᴇ ꜱᴛᴀʀꜱ

ngayong nag-iisa, hindi na kailangang mamula pa't mahiya dahil walang ibang makaririnig kundi ang pusong inaalayan ng kanta..

ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱᴇᴇ ᴡʜᴀᴛ ꜱᴘʀɪɴɢ ɪꜱ ʟɪᴋᴇ ᴏɴ ᴊᴜᴘɪᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ᴍᴀʀꜱ.

dinadamang mabuti ang bawat linya ng kanta, hinihiling na sana'y nasa tabi kita..

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ʜᴏʟᴅ ᴍʏ ʜᴀɴᴅ

hahawakan mo ang kamay ko't kakantahan kita.. papakinggan mo ang tibok ng puso kong paiba-iba..

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ʙᴀʙʏ ᴋɪꜱꜱ ᴍᴇ

kahit sa noo lang ay pwede na..

ꜰɪʟʟ ᴍʏ ʜᴇᴀʀᴛ ᴡɪᴛʜ ꜱᴏɴɢꜱ ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱɪɴɢ ꜰᴏʀᴇᴠᴇʀᴍᴏʀᴇ.

sana'y punan ng pagmamahal mo ang butas sa puso kong dahilan ng lahat ng 'to.. at hayaan sana ako ng tadhanang kantahan ka habang-buhay..

ʏᴏᴜ ᴀʀᴇ ᴀʟʟ ɪ ʟᴏɴɢ ꜰᴏʀ,

mahirap nang huminga, ngunit pinilit kong ituloy ang magandang kanta..

ᴀʟʟ ɪ ᴡᴏʀꜱʜɪᴘ ᴀɴᴅ ᴀᴅᴏʀᴇ.

inangat ko ang kamay ko kahit parang isang daang kilo ang bigat nito dahil nanghihina ako, para lang maulit ko ang sandaling kinantahan kita't nakatakip ang kamay sa mukha ko..

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ᴘʟᴇᴀꜱᴇ ʙᴇ ᴛʀᴜᴇ.

sinabayan ang pitik ng daliri ang melodya para hindi pangit tingnan kahit ako'y nag-iisa..

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ, ɪ ʟᴏᴠᴇ ʏᴏᴜ..

unti-unti na kong napapikit at naririnig ko na rin ang ugong ng indikasyong wala na ang tibok ng puso ko.. huli kong nasulyapan ang mahabang linya, bago magliwanag ang lahat..

f ly m e to t he m oo nTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon