; sixth

19 2 0
                                    

hindi ako pinalaking sinungaling ng nanay ko pero lumaki akong pakipot.

magrereklamo ako tungkol sa'yo pero kapag nandyan ka na sa harap ko, tiklop ang bibig ko.

hindi ko na magawang makapagsalita't makapagreklamo kasi sa tuwing nakikita kita, nawawala ang sarili ko 'pagkat bumabalik ito sa nakaraan nating masaya,

sa nakaraan nating nakalipas na.

at kahit ilang beses pa ako lumingon sa kahapon, hindi ka na babalik.

ayaw mo na, hindi ba?

hanggang ngayo'y nakaukit pa rin sa isipan, patuloy pa ring naririnig sa tenga't nananatiling nakabaon sa puso ang mga katagang lumabas mismo galing sa bibig mo,

na "ayaw mo na."

ayaw mo na.

bakit ka umayaw? bakit mo ako inayawan? bakit hindi mo ulit gustuhin? bakit hindi mo magawang bumalik sa'kin?

bawat araw ay mas nadaragdagan lang ang mga tanong at mas umuunti ang sagot.

kasi wala kang binigay na ibang dahilan bukod sa "ayaw mo na."

patawad man kung nagkulang o sumobra ako.

patawad kung hindi ako ang hinahanap mo, na dati naman ay ako.. pero sa isang kisap mata'y nawala lahat,

kasi "ayaw mo na."

pero.. kahit ayaw mo na..

walang araw na hindi ako nag-abang sa pagbabalik mo, kung babalik ka man.

walang araw na hindi ko binabalikan lahat ng sinabi mo.

walang araw na hindi ako nag-intay na babalik ang "good morning" at "good night" mo't araw-araw kong hinihiling na sana sabihin mo sa'king mahal mo ko,

kahit kasinungalingan nalang, basta galing sa'yo.

f ly m e to t he m oo nDär berättelser lever. Upptäck nu