; fifth

20 2 0
                                    

"anong tinitingin-tingin mo?"

tinitigan kita pabalik kasi wala ka namang ibang ginawa kundi tumitig lang din sa'kin.

kapag nasa harap mo ko, hindi ka umiimik. hindi kita maintindihan.

nakatingin ka sa'kin at kahit tinatanong kita, hindi ka sumasagot.

umalis nalang ako't baka sigawan ko pa ang tenga mo. sa susunod ay bibigyan na kita ng cotton buds.

hindi ko alam sa'yo. ganyan ka lang araw-araw.

parang dati lang ay natotorpe ka pang umamin. ngayon, kung sino-sino nalang ako sa'yo.

ang dami-dami mo pang sinabi sa'kin na nakapagpahulog sa'kin lalo na ngayong hinahanap-hanap ko..

pero ano pa nga ba ang hahanapin ko? wala ka na naman.

tanging sa alaala ko nalang nababalikan ang mga araw-araw na puno ka pa ng pagmamahal,

na kapag tinitingnan kita, masaya pa ang nagiging tugon ng puso ko.

ngayon? nakakapanghina na lang tumitig sa'yo.

kahit anong pilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga sira-sirang piraso ng masasayang pahina sa storyang sinulat natin, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit humantong agad sa wakas kahit sinisimulan pa lang.

parang kahapon kasi, gusto mo pa, e.

ba't kinabukasan, wala na agad?

saglitang saya lang ba?

mahirap lang kasing maiwanan nang walang dahi-dahilan. araw-araw mong tatanungin sa sarili mo kung nagkamali ka ba, kung nagkulang ka ba, kung sumobra ka ba..

at hindi mo kakayaning tanggapin kasi wala kang nakukuhang dahilan.

hanggang tingin ka nalang uli..

parang dati'y abot-kamay na kita, pero bakit ngayon ang layo-layo mo na?

ano ba talagang dahilan mo?

bakit biglaan kang umayaw kahit kahapon lang gusto mo?

f ly m e to t he m oo nWhere stories live. Discover now