; first

55 3 0
                                    

nagsimula akong kumanta.

; ꜰʟʏ ᴍᴇ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴍᴏᴏɴ

ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ᴘʟᴀʏ ᴀᴍᴏɴɢ ᴛʜᴇ ꜱᴛᴀʀꜱ

nakikita ko sa mukha ng iba ang pagkagulat nang ibinuka ko ang bibig ko. hindi sila sanay na marinig akong kumanta.

pero..

hindi ko kayang tingnan-- masyadong maraming matang nakatitig.

ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱᴇᴇ ᴡʜᴀᴛ ꜱᴘʀɪɴɢ ɪꜱ ʟɪᴋᴇ ᴏɴ ᴊᴜᴘɪᴛᴇʀ ᴀɴᴅ ᴍᴀʀꜱ

nahihiya ako.. nakakahiya.

alam ko kasing nakatingin ka.

nakatingin kayo--sila--silang lahat sakin habang kumakanta,

kaya pinili ko nalang takpan ang mukha ko. tinakpan ko ang mukha kong nagmimistula nang mansanas sa sobrang pagkapula, dahil sa hiya.

pero nag-iwan ako ng sapat na uwang sa pagitan ng mga mata ko...

ꜰɪʟʟ ᴍʏ ʜᴇᴀʀᴛ ᴡɪᴛʜ ꜱᴏɴɢꜱ ᴀɴᴅ ʟᴇᴛ ᴍᴇ ꜱɪɴɢ ꜰᴏʀᴇᴠᴇʀᴍᴏʀᴇ

para magawa kong tingnan ka't walang ibang makakahalata.

alam ko naman kasing mang-aasar lang sila.

at sa bawat asar nila,

ʏᴏᴜ ᴀʀᴇ ᴀʟʟ ɪ ʟᴏɴɢ ꜰᴏʀ,

nawawala sa isip ko na hindi na dapat pala,

at mas lalong hindi ko mapigilang mahalin ka.

ᴀʟʟ ɪ ᴡᴏʀꜱʜɪᴘ ᴀɴᴅ ᴀᴅᴏʀᴇ.

hindi ko naman talaga hilig ang kumanta, pero para sayo-- ah, ang ibig kong sabihin,

para sa mataas na marka,

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ,

..sige na, para sayo na rin...

gagawin ko talaga.

ᴘʟᴇᴀꜱᴇ ʙᴇ ᴛʀᴜᴇ.

sinasabayan ko ng pitik sa daliri ang tono't melodiya, para hindi pangit tingnan kahit nakatakip ako ng mukha.

ɪɴ ᴏᴛʜᴇʀ ᴡᴏʀᴅꜱ,

ang kantang puno ng pagmamahal ay nahaluan ng inis, 'pagkat ang mata'y di naman dapat sayo pupunta..

ngunit huli na.. nakatuon na sa kabuuan mong pagkaganda-ganda.. napangiti muna, bago kantahin ang mga susunod na linya..

ɪ ʟᴏᴠᴇ ʏᴏᴜ..

palakpakan. maraming pumalakpak.

pero sa totoo lang,

ang papuri mo lang ang gusto ko marinig.

matapos kumanta'y nagmadali akong umupo. nakakahiya.

baka sabihin mo pa ang pangit ng boses ko..

nakatungo lang ako kasi alam kong pulang-pula pa ang mukha ko. ayokong makita mo kong namumula dahil sayo.

naririnig ko ang bulungan ng iba na ang ganda raw ng boses ko, kaya't mas lalong pumula ang mukha ko.

hindi ako sanay humarap at kumanta sa maraming tao.

pero kahit anong bulungan nila, hindi naman para sakanila ang kanta ko..

at hindi ako maniniwalang maganda ang boses ko hanggat hindi ko naririnig mula sayo.

f ly m e to t he m oo nWhere stories live. Discover now