BABY BOY

51.5K 958 11
                                    


MAGDAMAG kong kasama ang babaeng nakita ko sa bar kagabi basta ko nalang ito hinila.Nag check in kami sa hotel .

Nakaupo ako sa single sofa habang hinihintay na magising ito.Ni hindi ko nga natanong kong ano ang pangalan.
Mahimbing itong natutulog at nakapulupot ang makapal na kumot sa katawan.

Ininom ko ang alak na hawak ko.Nakita kong gumalaw ito at unti unting nagmulat.Napabalikwas nang bangon nang makita ang sarili.Agad natuon ang mga mata sakin at naningkit.

Nilapag ko ang baso sa table at tumayo.
"Bumangon ka na diyan magbihis at umuwe".walang gana kong sabi.

Ewan ko ba kong bakit hinintay ko pa itong magising.Hindi naman ito umimik mahigpit na hinawakan ang kumot at pumasok sa banyo.

Alam ko na hindi naman ako ang nakauna sa kanya dahil naramdaman ko yon kagabi.Pero nakalimutan kong gumamit ng proteksyon sa sobrang kalasingan.

Pinauna kong alis ang babae ayokong magsabay kami.Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil nananakit ito.

Dumaan ang mga araw linggo at buwan wala akong ibang pinupuntahan kundi bahay,opisina,at bar.Inom at mambabae.Kasama ang mga kaibigan ko na ganun din ang mga gawain.

"Sir may naghahanap po sa inyo."napaangat ako ng tingin sa secretary ko na hindi ko man lang naramdamang kumatok.Tiningnan ko ito nang masama kaya napayuko na lang ito.

"Papasukin mo."sabi ko tumango naman ito at umalis.Binalik ko ang pagbasa at pagperma ng mga najatambak na papel sa table ko.

Umangat ako ng tingin nang pumasok ang secretary ko.Napakunot ako nang noo at nakatingin sa taong pinapasok nito.

"Iwan mo na kami" agad itong lumabas.Nanatiling nakatayo ang babae sa may pinto at may karga itong bata."Tatayo ka lang diyan?"nagulat naman ito.Pinagmamasdan ko kong saan ko ito nakita.Dahan dahan itong naglakad at parang natatakot pa kita kong ang higpit nang hawak nito sa sanggol.Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

Hindi ko matandaan kong saan ko ito nakita.Huminto ito sa harap ng lamesa ko nakayuko na tila natatakot sa presensya ko.

Tumikhim ako kaya nagulat na naman ito at napaangat ang tingin sakin.Maganda naman pero payat.

"Who are you? anung kailangan mo?" tanong ko at napasandal sa inuupuan ko at pinagkrus ang dalawa kong kamay sa harap ng dibdib.

"A-aah hmm" bumuka ang bibig pero wala naman lumabas na sasabihin.

"What!" medyo naiinis na ako dahil iniistorbo nito ang trabaho ko.

Nakita kong bumuntong hininga ito at nanginginig na tumingin sakin.

"M-ister ahm,,nagpunta po ako dito para sana..."tumingin ito sa batang karga at binalik sakin ang tingin."wala na po akong ibang mapagbilinan nang anak ko,hmm kong natatandaan niyo po ako ilang  buwan na ang nakalipas ako po ang babaeng dinala niyo sa hotel noon." napayuko ito na tila hirap magsalita.Tinititigan ko naman para maalala kong talagang nagkita na kami.

Sumagi sa isip ko na siya ang babae na nakuha ko sa bar dati at dinala sa hotel na nakalimutan kong gumamit ng proteksyon.

That baby wag niyang sabihin na akin yan.Napamura ako sa isip imposible.Hindi naman ako ang nakauna sa kanya.

"Ano naman ang kailangan mo?"nalamig kong tanong at nakakunot noo pa

"I-ikaw po ang ama ng bata." halos hindi pa napoproseso sa utak ko ang sinabi nito.

"Ano!"napalakas ang sigaw ko dahilan para gumising ang sanggol at umiyak.

"Sa maniwala po kayo sa hindi simula nung gabing dinala mo ako sa hotel hindi na ho ako lumabas,lumipas ang ilang linggo nalaman kong buntis ako.Natakot akong lumapit sa inyo noon dahil baka hindi kayo maniwala kasi sa bar ako galing.Maawa na po kayo."naiiyak na ito at lalong umiyak ang bata.Tinanggal nito ang lampin na nakatabon sa mukha ng bata at inuumang sakin.Nanlaki ang mata ko at di makapaniwala sa nakikita.

Ang batang hawak nito ay nakikita ko ang mukha ko nung baby pa ako.Na para naman nanlambot ako at nakaramdam ng bilis ng tibok ng puso.Nanatili akong nakatitig sa mukha ng bata ba unti unti na itong natigil sa pag iyak.

Ilang linggo ang lumipas na ako ang nag alaga sa anak ko.Nalaman kong may sakit ang ina nito at hinabilin sakin ang bata.Nabalitaan ko na lang na namatay ito sa tinitirhan niya dahil mas lalong lumala ang sakit niyang cancer sa buto.

Una hindi ko pinaniwalaan pero pag nakikita ko ang bata parang nakikita ko ang sarili ko.Pinilit ko naman ang ina nito na tumira kasama ng anak niya kaso tinanggihan nito.Ayaw niyang makita siya ng anak na unti unting mawawala.

Kumuha ako ng yaya para pag nasa opisina ako may magbabantay sa kanya.

"Whhoooa kailan pa nagkaroon ng bata dito sa condo mo Salazar?" naabutan ako ng mga kaibigan kong nagtitimpla ng gatas ng bata.Basta nalang ang nga ito sumulpot hindi ko kasi sinabi sa kanila ang tungkol dito.

"Nyeta kamukhang kamukha mo dude."nakahiga kasi sa crib ang baby at ngumingiti ito dahil siguro sa nakikita sa paligid niya kumakawag pa ang paa at kamay sabayan pa nang paglalaro ng laway.Hindi ko sila inintindi.Shi-nake ko ang gatas sa bottles at lumapit sa crib at binigay kay baby.

Hindi pa ito marunong humawak kaya pinatong ko sa naliit na unan dumede naman ito.

"Ano naman ang ginagawa niyo dito?"hinarap ko sila pagkatapos kong ayusin ang dede na bata.

"Anak mo? bakit di namin alam."himutok ni Emmanuel at tinuro pa ang bata.Hindi ako sumagot kumuha ako ng beer sa ref at pagbalik ko ng sala binato ko sa kanila isa isa ang beer na nasalo naman ng nga ito.

"Sinong babae ang nabuntis mo Salazar? lage naman tayong magkasama bakit hindi namin alam ito."tanong naman ni Sander.Uminom ako ng beer at tiningnan ko sila ng masama isa isa.Wala naman akong balak sabihin sa kanila.

Hindi talaga ang mga ito tumitigil hanggat wala akong sinasagot.

"Wala na siyang ina,ibinilin na sakin.She's dead kalilibing lang one week ago."balewala kong sagot.

Tila may sinabi akong masama dahil bigla nalang natahimik ang mga gago at nakatingin sakin.Binato ko ng beer na wala nang laman si Dwyne  na nailagan naman nito.Ito kasi ang kaharap ko sa sofa.

"Namatay bakit anong nangyari?" tanong ni Justine nang maproseso na ang mga sinabi ko.

"She have a bone cancer malala na ang sakit bago niya ako pinuntahan,natakot daw siya baka hindi ko tanggapin, pero wala na siyang ibang choice kundi sakin.Iniwan sakin ang bata nalaman ko na lang na namatay siya sa apartment na tinitirhan."Kwento ko.

Marami pa silang tinatanong pero hindi ko na sinagot.Pagkaalis ng nga kaibigan ko pumasok na kami sa kwarto para matulog.Wala ang yaya nito kasi sabado naman ako talaga nagbabantay.

Pinakatitigan ko ito hindi maipagkakaila na anak ko dahil kamukha ko nga.Nakuha sakin lahat.

Your mylife now baby boy. Wag kang mag alala aalagaan ka nang mabuti ni daddy.Hinagkan ko ito sa noo at niyakap.Sa tabi ko pinahiga three months pa lang hndi pa malikot nilagyan ko lang ng mga unan sa kabilang gilid.

'Louie Kiel  Salazar'  mabuti sinunod nito sa apelyido ko.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon