TP7.1 (Truth)

2.8K 69 1
                                    

Nathalia P.O.V

Maaga akong pumasok gaya ng napag-usapan namin ni JD. Ts. Kung may choice lang naman ako eh.

Para akong kinuryente ng hawak nya ang kamay ko.

"Don't be nervous Sophia. Just pretend" mahinang bulong nya sa akin.

'Totoo nga! Si Prince JD at yung babaeng patay na yun!'

'This can't be! Argh!!'

'Kailan pa naging sila?'

'Siguro kaya nagtransfer yung babae!'

'Hindi rin naman sila magtatagal!'

Yun ang mga bulung-bulungan hanggang sa nakarating kami sa classroom na kaming dalawa lang.

"Sophia. Yun ang itatawag ko sayo. At ikaw, bahala ka. And one more thing. Sana hindi makarating sa kapatid ko na nagkukunyare lang tayo. Please?" tanong nya at tinignan ko lang sya.

"Paano kung magtanong sya?" Tanong ko

"Ako nang bahala dun." sabi nya at tumango na lang ako.

"Sophia. I will give you a contract para dito sa pagpapanggap natin. I want this to be clear for the both of us. At sana okey lang sayo yun." sabi nya.

"Ts. As if I have a choice" Malamig na sabi ko.

"Okey. Im sorry--"

"Stop!" Sabi ko at halatang nagulat sya.

"Ha?" Tanong nya pero parehas kaming napatingin sa pintong nagbukas.

"JUDE DANIEL VILLAPUERTE!!" Isang malakas na sigaw ni Dara at kitang-kita ko kung paano manlisik ang mga mata nya.

Ow, I find it cute for her by the way..

"Rhianne." tawag ni JD.

"Anong ginagawa mo kuya? Tigilan mo ang bestfriend ko! Wala syang ginagawang masama!" sigaw ni Dara

"What are you talking about Rhianne?" Mahinahong tanong ni JD.

"Wow! What I am talking about kuya? Alam mo yun! But! Argh!! Hindi sya katulad ng iba kuya! Hindi sya manggagamit tulad ng laging nasa isip mo kuya! Please kuya! Wag mo namang ilayo sakin yung kaibigan ko!" Mula sa kaninang pasigaw-sigaw unti-unting napa-upo sa sahig si Dara at umiyak.

"Rhianne.." Akmang lalapitan ni JD si Dara but..

"I know how protective you are kuya!" Iyak nya.

Pinantayan naman ni JD si Dara at gumuhit sa mukha ko ang isang ngiti.

JD hugged her sister.

"Rhianne. Hindi ko sya ilalayo sayo okey? It's just that I'm courting her pero hindi ko magawang masabi yun kaya ang sabi ko kami na." sabi ni JD at tinignan ako.

"Are you sure kuya? Paano kung mapahamak ang bestfriend ko?" tanong ni Dara.

"I won't let it happen okey? Stop na. Papangit ka nyan" cheer-up ni JD at inalalayan tumayo si Dara. At bigla akong niyakap ni Dara.

"Still Bestfriend be careful. Ayokong saktan ka ng hinayupak na kuya kong yan! Wag mo muna syang sagutin okey? Papahirapan muna natin sya para malaman natin kung mahal ka talaga." Hindi ko mapigilang tumawa at hinarap ako ni Dara.

Nakakainggit itong magkapatid na toh..

"You're laughing!!" Masayang sabi ni Dara at ngumiti ako

The Pretender (Book 1 & 2)On viuen les histories. Descobreix ara