TP9 (Contract)

2.4K 66 1
                                    

Nathalia P.O.V

Pagkapasok ko ng VIA, ramdam ko ang titig ng lahat sa akin.

Walang JD na naghihintay.

"Dara.." I whispered ng makita ko syang papasok ng entrance.

Nabitawan nya yung dala nyang mga libro at tinitigan ako.

"Hi?" Hindi ko kasi alam kung paano ko sya kakausapin.

Napangiti ako ng bigla nya kong niyakap.

"Bestfriend! Akala ko hindi na kita makikita!" Sabi nya at sobrang higpit ng yakap nya sakin.

"Papayag ba ko nun?" pabiro kong tanong sa kanya..

"Akala ko totoo, hindi naman pala! Ts. Tumabi nga kayo sa dadaanan ko!" Napabitaw sa akin si Dara dahil sa nagsalita.

"Long time no see Megan, kamusta ang suspension?" Ngising tanong ni Dara.

"Don't smirk at me, Nerd." sabi nya at inilipat ang tingin sakin.

Nandito na pala sya, with her more alipores.

"Akala ko wala ka na? Bakit nandito ka parin?" Tanong nya sakin.

"CRUSHHHH!!!" Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Si Raven.

"At sino naman to' ha? Nathalia?" Mataray na tanong ni Megan ng tignan nya mula ulo hanggang paa si Raven.

"She dosen't know me Crush? Oh well, Im Jennifer." sabi ni Raven at inakbayan ako.

"Pwede ba? Umalis kayo sa dadaanan ko? Harang kayong mga basura dyan! At isa pa, para sayong Jennifer, Im the School Princess... Megan Andreya Bliss... Kaya kilalanin mo kung sino ang kakampihan mo." Maarteng sabi ni Megan.

"Ah! Okey, Ikaw yung anak ni Mr. Harold Bliss?" tanong ni Jennifer.

"Of course! Look everybody! Kilala nya ang Daddy ko! We're famous right?" Mayabang na tanong ni Megan.

Kaya bumitaw si Raven sa akin.

"Your father is my father's assistant. He's working for our company..." sabi ni Raven at ewan ko, natawa ko bigla..

"Ahahahaha!!! Great!" sabi ni Dara na hindi mapigil ang pagtawa.

Kahit yung mga taong nasa paligid namin tumatawa.

"Argh! Stop laughing you Idiots! How dare you! Sino ka para ipahiya ako? Get out of my way!" Sabi ni Megan at itinulak kami kaya napaupo ako dahil sa lakas ng tulak nya.

"Gosh! Crush!"

"Bestfriend!"

"Im okey." sabi ko at itinayo ako ni Raven.

"Hoy! Babaeng ginawang coloring book ang mukha!" sigaw ni Raven at humarap si Megan.

"What?" Inis na sabi ni Megan.

"Binge sabi ko! Hoy! Subukan mong masaktan- saktan ang Crush ko! Nakikita mo tong batong to'? Ihahampas ko sayo to'!" sabi ni Raven na itinuro ang bato sa gilid.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Tibo! Ang ganda mo pa naman! Tomboy!" sigaw ni Megan at napansin kong natahimik si Raven.

Naglakad na si Megan.

"Bigyan mo ko ng piso Crush" mahina pero nakakatakot na boses ni Raven kaya inabutan ko sya.

Nagulat kaming lahat ng binato nya ng piso si Megan.

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon