TP 25

1.8K 49 0
                                    

[Nathalia P.O.V]

*paakkk!!

"How dare you to say those things to me Nathalia! Hindi ako ganun ka gaga para sundin ka! Alam mong gustong-gusto ko sya! Pero hindi sa ganitong paraan!" Napangiti na lang ako habang nagsasalita sya.

Wala kong nararamdamang sakit mula sa sampal nya sa akin pero sa puso ko ang sakit-sakit.

"Yun na ang paraan Megan. Wag mo ng tanggihan pa. Ibinibigay ko na nga sayo diba?" Sabi ko

* paakkk

"Gaga ka Nathalia! Kulang pa iyan sayo! Hindi laruan si JD na pwede mo nalang ibigay kapag pinagsawaan mo na! Dapat sya yung pinapahalagahan mo!" Sigaw nya sa akin at unti-unting tumulo ang luha ko.

"Masama bang gawin ko yung bagay na ito para lang maprotektahan ko sya? Para maprotektahan ko yung grupo namin? Ganito ko sila pahalagahan Megan. Ayokong may mangyari sa kanilang masama." Sabi ko at umiling sya.

"Pero mali yung ginagawa mo." Sabi nya at umiling ako.

"K-kaya nga kailangan ko ng tulong mo" sabi ko at tumango sya.

------

"Hey! Anong meron?" Tanong sa akin ni JD pag-akyat nya ng rooftop. Gusto kong yakapin sya pero ayoko. Kailangan kong pigilan yung sarili ko.

"Hey, Sophia. Mahulog ka dyan" sabi nya dahil naka-talikod ako sa kanya.

"I-Im b-breaking up with you" sabi ko at hinarap ko sya.

"H-hah?" Tanong nya sa akin at akmang lalapitan ako pero pinigil ko sya.

"Maghiwalay na tayo." Sabi ko at umiling-iling sya.

"H-hindi magandang joke yan Sophia." Sabi nya at umiling ako.

"Hindi ako nagbibiro! Damn It! Mahirap bang intindihin JD? Ayoko na!" Sabi ko at nakita kong napaluhod sya.

"W-why? A-anong nagawa kong masama? May mali ba kong nagawa? Sophia. Wag naman please" sabi nya at huminga akong malalim para hindi tumulo ang luha ko.

"Hindi kita mahal JD. Hindi kita minahal! Hindi ako marunong magmahal JD! Pinaglaruan lang kita! Ginamit!" Sabi ko at nakita ko ang mga luhang umaagas sa mata nya. I want to comfort him pero hindi pwede.

"Hey! Nathalia! Anong meron at pinapunta mo kaming lahat di--- Pre! JD! Anong nangyari sayo?" Agad nilapitan ni CJ si JD pero itinulak sya paalis ni JD

"Kuya! Okey ka lang ba? bestfriend! Anong nangyayari?" Tanong ni Dayna.

"BESTFRIEND?" Diin kong tanong sa kanya kaya lahat sila napatingin sa akin.

"Oo. Diba magbestfriend tayo?" Takang tanong nya at tumawa ako.

"Never akong nagkaroon ng kaibigan. At ikaw? Bestfriend pa? Ow, sorry... ahahaha" sabi ko at nakita ko ang unti-unting pamumuo ng luha nya.

"B-bestfriend..." sabi nya at umiling ako.

"Stop calling me 'bestfriend' its sucks Dayna Rhianne. Hindi magandang pakinggan. Tyaka I never treat you as a friend. All of you." Sabi ko at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila.

"N-no! S-sabi mo---"

"And you believed it, right? Hayy... I never imagine that I have a childish bestfriend . Yung parang bata kung kumilos?" Sabi ko

The Pretender (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon