TP 16 (Ace)

2.4K 69 1
                                    

[JD P.O.V]

"JD tara!" Napatingin ako kila Lance na nag-aya.

"Sige, tapusin ko lang toh." Sabi ko dahil nag-aayos ako ng mga upuan dito sa hall.

Dalawang araw na lang at ball na. Isang linggo na rin ang nakakalipas. Pero hindi pa nagpapakita si Sophia. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Kuya!" Napatingin ako kay Rhianne na papalapit sa akin.

"Oh?" Tanong ko.

"Katatawag lang sakin ni Bestfriend!" Napalingon ako kaagad sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Anong sabi nya? Okey lang daw ba sya?" Tanong ko.

"Yup. Pupunta daw sya sa ball..." sabi nya at napangiti ako.

"Good. Rhianne" And I pat her head.

"Aish! Kuya naman! Hindi na ko bata!" Inis na sabi nya sabay layo. Natawa na lang ako... Ang kapatid ko nga naman oh...

------

[Dwight P.O.V]

"Ahhh!!" Napatingin ako kay Mr. Fred nang sumigaw sya. Tinetrain nya ngayon ang Heir.

Walang alinlangan. Sya nga. Nasa kanya nga ang dugo at halata naman sa bawat kilos nya. Sobrang bilis. Madali din syang matuto.

"Sir Fred! Okey ka lang po ba? Nako po! Sorry!" Nakita kong nilapitan ng Heir si Mr. Fred.

"Yah!" Agad naman syang sinipa ni Mr. Fred kaya tumalsik sya.

Sa loob ng isang linggo, natapos nya lahat ng lessons tungkol sa Mafia. Ang talino nya. Tapos yung pakiki-tungo nya, sobra! Hindi na sya nakakatakot. Lagi na syang ngumi-ngiti. Ang ganda ng Heir namin. *v* Wag kayong maingay ha?

"Lesson 107. Wag na wag kang maaawa sa mga kakalabanin mo Heir! Dahil kung hindi ikaw ang mapapatay. Get up!" Sigaw ni Mr. Fred at sinundan ng mata ko ang Heir pero hindi ko sya nakita.

"A-aray!" Napatingin ako kay Mr.Fred na nakahandusay.

"Woah!" Hindi ko napigilang mapahiyaw. Hindi ko nakita ang kilos ng Heir. Nasa likod sya ni Mr. Fred kanina at ngayon napatumba na nya ito.

"Lesson 108, Sir Fred! Dapat matalas at malakas ang pakiramdam mo. Ahaha..." Tawa nya at lumabas na ng ring.

"Wooh!" Sabay upo nya sa couch.

"Kaya pa Princess?" Tanong ko at ini-abot ang tubig at towel.

"Yeah." Sabi nya sabay thumbs-up.

Pinuntahan ko si Mr.Fred na hanggang ngayon naka-higa parin sa sahig.

"Ang lakas ng Heir" sabi nya pagka-tayo.

"Dugong Dragon yan eh." Sabi ko at bumalik na, pero nakita ko si Princess na may kausap sa phone.

"Yes Dara, pupunta ko!----Really?----Wahhh!!! Gusto ko ng bumalik dyan, pero busy pa ko--- yup.--- don't worry, Im fine.---Si JD?--- Ahaha...--- Ang ingay mo talaga Dara!--- Okie. Babye" Nahuli akong nakatingin ni Princess kaya umiwas ako.

"Sorry Princess... Im just doing my job" wika ko at tumango lang sya.

"Okey lang." She said and smile.

Lub.Dub.Lub.Dub.Lub.Dub

No, this can't be. Reaper nya LANG ako! Heir sya ng Mafia.

"By the way. Samahan mo ko. Bibili ako ng costume for the halloween ball" sabi nya at tumango ako. Nagulat na lang ako ng bigla syang naglakad papunta sa akin at umistop sa harap ko mismo.

The Pretender (Book 1 & 2)Where stories live. Discover now