TP11 (Life)

2.4K 61 1
                                    

Nathalia P.O.V

"Ang laki naman ata ng kwarto mo Nathalia" sabi ni DEN.

"Kuya DEN, ganyan talaga. Ikaw ba naman kaya, ang prinsesa ng mga Castillio, ang top ranker sa buong bansa, nasa Top 10 sa buong mundo! Oh, tingin mo ba hahayaan ka lang nilang magkaroon ng simpleng kwarto?" tanong ni Dara at tumango lang si Raven habang nililibot ang kwarto ko.

"Nathalia! Remember this book?" Tanong ni DEN at kinuha ang libro sa side table.

"The Pretender" sabi ko at tumango sya.

"Woah! Walk-in closet? Can I?" tanong ni Raven at tumango ako.

"Saan bang lumalop nanggaling si Jennifer Nathalia? Parang manghang-mangha sya masyado" sabi ni DEN at umiling na lang ako.

"Ang gaganda ng damit mo Crush! All signatured! Pati yung accessories!" sabi nya.

"Dara, ikaw na muna ang bahala kay Jen. Kukuha lang ako ng snack sa ibaba" sabi ko at tumango sya.

"Samahan na kita Nath." sabi ni DEN at tumango ako.

"M-Miss N! " gulat na bati ng maid nang pumunta akong kitchen.

"Uhm, paki-hatiran naman ako ng snacks sa kwarto. Good for 4 persons." sabi ko at ngumiti at umakyat na ulit.

"Alam mo ate Jen, mayaman ka eh! Eh bakit ganyan ka kung mamangha?" tanong ni Dara. Mula ang boses nila sa study room ko.

"Hindi ko din alam Dara. Alam kong meron din ako nito, pero iba pala talaga kapag Castillio! As in! Tyaka hindi ko ine-expect na si Crush ang sinasabi nilang Prinsesa. Sa totoo lang. Nakakainggit sya. At kaiinggitan sya kapag dumating na yung big day" sabi nya at nagpunta na kami dun.

"Crush! Grabe! Pwede nang isang unit sa condo itong kwarto mo! All in! Ang bathroom na sobrang ganda, kompleto lahat may maliit na jazzuki sa loob, itong study room mo na may refrigerator at isang maliit na table. Tyaka may sarili ka pang veranda! Buhay prinsesa ka nga talaga kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mo pang maging isang normal na tao!" sabi nya at napa-iling na lang ako.

"Ang talino mo pala talaga Nathalia" sabi ni DEN habang tinitignan ang isang cabinet kung saan nakadisplay ang trophies at medals ko.

"Bestfriend" tawag ni Dara at lumabas ako ng study room at nakita kong naka-upo sya sa kama ko at hawak-hawak ang isang picture frame. Tinabihan ko sya.

"Ang layo pala talaga ng pinagbago mo Bestfriend. Hindi ko pa nakikita sayo ngayon itong babaeng to'" sabi nya habang nakatingin sa picture ko.

"Sila ba ito?" tanong sa akin ni Dara na kinuha ang picture nila mommy at daddy. Tumango ako.

"Kamukhang-kamukha mo pala ang mommy at daddy mo." malungkot na sabi nya.

"Crush?" Tawag ni Raven sa akin na nakasilip kasama si DEN.

"Upo muna kayo" sabi ko sa kanila at umupo nga silang dalawa.

"Dara. Look" sabi ko kay Dara at tumingin sa sakin, malungkot akong ngumiti sakanya at naglakad papunta sa gilid na tapat ng kama.

"My Mommy Samantha and Daddy Drake " sabi ko sabay hatak ng telang tumatago dito.

Hindi ko napigilang umiyak. Matagal ko na palang tinatago ito.

"Bestfriend..." niyakap ako ni Dara..

"Sila ang parents ko. Dara." pakilala ko at umiyak din sya.

The Pretender (Book 1 & 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt