Chapter 6 The Quest,Vengeful Spirit,Puzzle

6K 61 19
                                    


** The Quest **

Alas-nuwebe ng umaga nagkita-kita ang barkada ni Jerome,pupuntahan kasi nila ang inirekomendang ispiritista ni Karen.Tingin ng tingin sa oras si Heidi,30 minuto na kasi silang naghihintay kay Aaron.

"Kahit kelan talaga, kilos pagong talaga." naiinis na bulong niya sa sarili, maya-maya pa ay dumating na ang binata ngunit may kasama ito,isang mestisang babae.Parang sinundot naman ang puso ni Heidi sa nakita lalo pa't nakita niyang inalalayan ni aaron ang kasama,nakadama siya ng pagseselos.Naiinis siya sa nararamdaman kaya sumakay siya agad sa van.Lingid sa kaalaman niya na lihim siyang sinulyapan ni aaro,sunod na sumakay si Tiffany na naka-shades at naka-earphone,mukhang di siya nakatulog,tumabi siya kay Heidi na noo'y badtrip na.Unlike before,madaldal ang dalaga pero wala itong imik,at nakatulala.Pasulyap-sulyap naman si Hans sa kanya,iniingatan niyang di mapansin iyon ni Karen ngunit nabigo siya.Mas tumindi ang pagseselos ni karen kay tiffany.Habang sa isip ni Hans,ay nag-aalala siya para kay Tiffany,naiisip nya pa rin ang sinabi nito sa kanya kagabi.Nalilito siya,pero ayaw niyang masaktan si Karen.

Samantala,umupo sa front seat si Carlo,ayaw niyang makakita ng mga naglalambingang magdyo-dyowa,nakokornihan siya at isa pa,baka umandar na naman ang ugali niyang manunulot.Ang Driver ay si Jerome.Naiinis talaga si Heidi sa nararamdaman niya,bakit ba nagseselos siya?dapat ay wala na siyang pakialam sa lalaking yun,bakit ngayon affected pa rin siya?kumirot ang puso niya nang makitang naglalandian ang mga ito sa harapan niya,nasa likuran kasi sila ng mga ito,nainis siya.Parang nananadya ang loko.

"guys,kumpleto na ba tayo?"maarteng tanong ni sweet na naka-lip gloss pa.

" yes,let's go."si Karah,wala sa mood dahil wala sa tulog.

"Ok, Karen,pls guide us ok?" pakiusap ni Jerome sa dalaga,natauhan si Karen ,nakatingin kasi siya sa nobyo na noo'y lihim na sinusulyapan si Tiffany,sobrang sakit nang naramdaman niya that time,but she ignored it.

" Ok,no problem."matipid na sagot niya.

♥ _________________________________ ♥

** Vengeful spirit **

Saktong Alas-onse medya na ng makarating sila sa bahay ng ispiritista.May kalayuan din pala iyon,at liblib ang sitiong pinuntahan nila.Palinga-linga si Karah sa paligid,ewan niya pero nakaramdam siya ng kaba,pero tinago niya yun sa mga kasama niya.Inisip niyang baka dala lang yun ng puyat kaya medyo paranoid siya.Tinawag niya si Ella ang P.A at secretary niya,Pinapaaral niya ang mga kapatid nito at ang kapalit nun ay ang paninilbihan ni ella sa kanya,dalawang libo lang ang binibigay ni karah bilang sweldo kay ella.Pilit na pinagkakasya iyon ng dalaga.Kahit masama ang inaakala ng lahat na anghel ay pinagtitiisan niya para sa mga kapatid niya.Nasasaktan din kasi siya nito physically pero kinakaya niya,alam niya ang lahat ng baho ng sikat na singer,lahat ng katarantaduhan at kabulukan ng pagkatao nito,kung di lang niya kelangan ng pera ay malamang ikinanta niya na ang kamalditahan ng amo.

"hoy!dalian mo,kuhanin mo na yung bag ko.mauna na tayo pumasok,ang pangit ng view."yakag niya rito,at maarteng pumanhik sa hagdan patungo sa main door.

Naiinis na sinunod ni ella ang malditang amo,kahit kelan di nagpakita ng malasakit sa kanya ito,kahit pasko ay di siya pinauuwi nito sa pamilya niya,pahirapan bago siya payagan pero kelangan niyang magtiis,para sa mga kapatid niya,para sa ama niyang nakaratay na at nasa bingid ng kamatayan.Naawang nakamasid pala sa kanya si Carlo.Bakit ba majority ng kabarkada niya ay masasama ang mga ugali? kaso wala rin siyang magawa,dahil wala sa ugali niya na mangialam at magmalasakit sa iba.Agad din niyang inalis ang tingin kay ella at sumunod paakyat sa bahay.

Samantala,balisa pa rin at walang imik si Tiffany.Nananatiling namumugto ang mga mata niya.Halata pa rin kahit natatakpan ito ng itim na shades na suot niya.pasimpleng sinulyapan siya ni Hans.Hindi siya mapakali,nagtatalo ang isip at ang puso niya. Ang sabi kasi ng puso niya,lapitan na niya ang dalaga,at tanungin kung ok lang ba ito ngunit sinusuway siya ng utak niya na wag.... wag dahil baka masaktan niya si karen... kaya wala siyang magawa kundi ang manalangin at humiling na sana ok lang si Tiffany.Parang sasabog na si Karen sa sobrang selos na nararamdaman.Ibig niyang magalit sa binata,tanungin kung may nararamdaman pa rin ito kay Tiffany. Subalit,pinigil niya ang sarili.Ayaw niyang mag-away sila,ayaw niyang tuluyang mawala ito sa kanya.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon