Chapter 2 The Haunting: Mukha

8.7K 82 39
                                    


Limang bote na ng alak ang naiinom ni Carlo pero hindi pa rin siya tamaan ng pagkalasing,ni hindi man lang siya makaramdam ng pagkahilo.Immune na immune na siguro ang katawan niya dahil sa dalas niyang pag-inom.Isang sikat na photographer si Carlo,Carlo Sebastian ang tunay niyang pangalan,mayaman naman ang pamilya niya ngunit wala siyang hilig sa pagnenegosyo kaya naman,walang nagawa ang mga magulang nito at di rin naman siya nagpapigil.Gusto niya talaga maging photographer,iyon kasi ang bagay na nagpapasaya sa kanya.

Tinungga niya ang huling laman ng boteng iyon,at nagbayad,saka siya umalis ng bar.Medyo sumasakit na ang ulo niya dahil sa nainom,tinahak niya ang madilim na parte ng parking lot na iyon,hinagilap ng kanyang mata kung saan naroon ang kanyang sasakyan nang makita na niya ito ay dali-dali siyang sumakay at ni-lock ang pinto,sa hindi malamang dahilan,nakaramdam siya ng pangingilabot nang mamasdan ang madilim na paligid,ngunit iwinaglit niya iyon I-istart na sana niya ang kotse nang may bumulong at humawak sa tenga niya......

"Carlo...."nagitla siya.Ang tinig niyon ay nakakatakot,at parang galing sa ilalim ng lupa,nagtatalo ang isip niya kung totoo ngang may bumulong at humawak sa tenga niya o dala lang ng sobrang pag-inom niya nang alak,pinaandar na niya ang kanyang sasakyan,at hindi siya lumilingon sa back seat baka kung ano pang makita niya.Nagpatugtog siya para labanan ang katahimikan sa loob ng kanyang kotse....

"SH!T!"Napamura siya nang biglang huminto ito,kasabay ding huminto ang car engine niya pinagpapawisan na siya,kay bilis ng pagtibok ng kanyang puso.Nang i-p-play na niya sana ito ay nagulat siya nang biglang bumukas ito at sa halip na magandang musika ang ihatid sa kanya ay isang nakakapangilabot na paghalakhak ng tila na nababaliw na babae ang kanyang narinig,natakot siyaat pilit niyang pinapatay ang stereo ngunit mas lumalakas ang naging pagtawa nito.Ang mas lalong ikinagimbal niya ay nang maramdaman niyang may buhok ng isang babae na nakapatong sa magkabila niyang balikat!!!

Pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa sobrang takot, ang mas nagpasidhi pa rito ay nang makita niya sa side mirror ang itsura ng babae!

Nagnanaknak at inuuod ang mukha nito, nakakadiri ang mahaba at nakakatakot na dila nito na ngayo'y humahalik sa kanyang pisngi!

May hawak itong scalpel,at nakatusok sa kanyang mukha,takot na takot siya at hindi na siya makagalaw at makasigaw upang humingi ng tulong,tumatawa pa rin ito habang hawak ang matalim na scalpel na naglikha ng mumunting dugo na umaagos na sa kanyang mukha nagsusumamo siyang tumigil na ang nilalang dahil may kutob siyang hihiwain nito ang kanya!ngunit mas lalong diniinan nito ang pagtusok nito na bumaon na sa kanyang mukha,magkandaiyak-iyak na siya sa sakit na nararamdaman ngunit waring napanawan na siya ng lakas,naramdaman niya ang pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang mukha,sa labis na takot ay naihi na siya sa pantalon, at nawalan nang malay.

Pag gising niya ay nakita niyang may mga pulis na nakaaligid sa kanya.Hinawakan niya ang kanyang mukha upang i-check kung may sugat iyon ngunit wala naman.Nalito siya.

Nanaginip o nabangungot nga lang ba siya?Hindi niya alam,lumapit sa kanya ang isang pulis upang magsiyasat at tanungin siya.

"Sir,nadatnan ka namin na umuungol sa loob ng sasakyan niyo,parang nabangungot ata kayo sa sobrang dami nang nainom niyo."

"S-sino ho ang nakakita sa akin?"may takot ang kanyang tinig.

"Wala na po siya e, babae po ang nakakita sa inyo sir."sagot nito sa kanya.Nahintatakutan siya,di kaya ang babaeng iyon ang babaeng nasa panaginip niya?kung gayon totoo ang nangyari at hindi bangungot.Nalito siya. Napansin niya ang isang makinang na bagay mula sa back seat ng kotse niya, may bahid iyong dugo!!!!!

Hindi nga siya nagkamali at SCALPEL nga ang bagay na iyon!Ang ginamit ng babae na panghiwa sa sugat niya,napaatras siya,sa sobrang takot,nangangatog ang kanyang mga tuhod,nagtataka naman ang pulis sa ikinikilos niya.

"Sir,ok lang po ba kayo?"pag-aalala nitong tanong sa kanya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"Hiyaw ni Carlo,at nagtatakbo palayo ng parking lot.Nagkatinginan naman ang mga pulis na nagtataka sa inasal ng binata.

Nakita kasi ni Carlo yung babae sa likod ng pulis na nagtatanong sa kanya,hawak nito ang scalpel at akmang sasaksakin siya,duguan ito at masama ang titig sa kanya.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon