Chapter 13 Pangitain,Clinic,Identity Revealed

4.4K 60 44
  • Dedicated kay MyBelovedScalpelers :)
                                    

** Pangitain **

Hingal na hingal na sa kakatakbo si Heidi duguan siya!may malalim na sugat ang kanyang kaliwang pisngi,at halos hindi na siya makalakad ….

( Evil Laugh )

Napayakap siya sa sarili sa sobrang takot na nararamdaman sa mga oras na yun,pinilit niya pa ring tumakbo kahit di na kaya ng mga paa niya at hindi nga siya nagkamali dahil hindi pa siya nakakalayo ay nadapa na siya.gasgas ang baba niya at siko.sa lakas ng impact ay malaking sugat ang natamo niya mula sa pagkakadapa.

( footsteps approaching … )

Nakiramdam siya,hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang nagdasal ng“Ama namin”,naiiyak na siya sa sobrang kilabot na nararanasan niya sa mga oras na yun.

( Girl Chanting …. )

Parang umiikot ang paningin ni Heidi dahil bukod sa takot ay pagod na pagod na siya sa kakatakbo at kakatakas sa babaeng habol ng habol sa kanya na di nya naman kilala at ibig siyang patayin.

( Chanting …. )

Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib,palinga linga siya sa paligid,hindi na niya kayang tumayo at tumakbo,wala na siyang magawa kundi ang harapin kung sinuman ang tumutugis sa kanya ….

( Chanting stopped …. )

She gulped,pinagpapawisan na siya ng malamig,at sa kahit anong sandali ay maari syang mapanawan ng ulirat dahil sa magkahalong kaba at takot.napakadilim ng paligid.Kay lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang bala,sobrang namamanhid na ang kanyang katawan sa sobrang takot

…..

“AAAAAAAAHHHH !!! ”tili niya,habang dumadagundong na halakhak ang maririnig sa di kalayuan mula sa kinaroroonan niya .

Bakas sa kanyang mukha ang pambihirang kilabot at gimbals a nakita !

Paano’y inihagis sa kanya ang pugot na ulo ng kanyang nobyo …. si Aaron !

Dilat pa ang mga mata nito at nakalawit ang dila,tila nasurpresa sa kanyang kamatayan.Sigaw siya ng sigaw,bukod sa takot ay nadurog ang kanyang puso sa nakita! nanangis siya,samantalang ang suspek ay tawa ng tawa na tila nang-aasar.

“ Hayop ka!lumabas ka diyan!duwag! harapin mo ako!hayop!papatayin ki-“Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil tinarakan siya ng scalpel sa lalamunan,sumirit ang dugo mula roon,kitang-kita niya ang mukha ng demonyong gumawa ng krimeng iyonnanlilisik ang kanyang mga mata,hindi maiitatatwa ang galit sa kanyang kalooban,nakangisi itong pinagmamasdan siya na tila nag-eenjoy na panuorin ang pagdaloy ng dugo sa kanyang lalamunan.Hindi pa nakuntento ito at inulit-ulit pa nitong isinaksak ang scalpel sa kanyang lalamunan,sa tindi ng saksak ay lumabas ang ilang laman mula roon.

Bumulagta siya,ramdam na niyang dito na magwawakas ang kanyang buhay,sa kasamaang palad,namatay siya sa di kaaya-ayang paraan …

Wala siyang laban .

Napabalikwas si Heidi,binangungot pala siya,nakatulog siya sa biyahe,pawisan at hapung-hapo siya,kanina pa pala siya ginigising ni aaron na nag-aalala na sa kanya,inabutan agad siya nito ng tubig.Agad niyang ininom iyon,pinakalma niya muna ang sarili,habang nag-aalala sa kanya ang mga kaibigan.

“Binangungot ka hon.” si aaron.

“Ang sama ng panaginip ko,hon…. buti bangungot lang yun,akala ko totoo.” sagot ni Heidi.

“Akala namin di ka na magigising,nagwawala na si aaron,kulang na lang suntukin ka para lang magising ka.” sabad naman ni Jerome.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon