Karen Alvarez: Lucky Girl Friend,The Clairvoyant

6.1K 48 9
                                    


Karen Alvarez is a psychologist,she owned her own clinic,graduated Magnacumlaude sa UST,completed her MA's sa UP. Matalinong babae kaya naman na-attract agad sa kanya si Hans. 

She was driving when she received a message from Hans,nakikipagkita ito sa kanya bukas,kasama ang mga kaibigan nito.Napabuntung-hininga siya,paano ay humihingi ito ng tulong,and it was extraordinary.Magigising na naman ang kakayahan niya,ang makakita ng spirits at entities na di nakikita ng ordinaryong mga mata.

Pero mahal niya si Hans,she would do anything for her boyfriend,kahit ang kapalit nun ay ang muli niyang paggising sa pagkatao niya.May lahi kasi silang mangkukulam,taga- samar ang pamilya niya.Ngunit tumakas siya dahil ayaw niya na sa buhay na ganoon.She wants a normal life,kaya naglayas siya sa kanila.Hans was her first boyfriend.Ito lang ang nangahas na ligawan siya,kaya naman mahal na mahal niya ito.

Ngunit ang mas ikinabahala niya ay ang pagkikita nila ng malditang si Tiffany.The first time,they met ay war ang nangyari.Nagulat na lamang siya nang sugurin siya nito at sinampal,buti na lang at naawat ito ni Carlo.Sa totoo lang,gusto niyang kulamin ang bruha ngunit nagpigil siya.Pero pag inulit nito ang ginawa ay di na niya alam. 

Alam niyang ang pagtulong niyang iyon ay nangangahulugan na kailangan niyang balikan ang bagay na tinalikuran niya,pero para sa mahal niya lahat ay gagawin niya.Kahit ikamatay niya pa.

She texted back, "Ok hon,I'll be there, see you,love you."

 

 

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon