Chapter 16 Ego rankings

3.5K 74 67
                                    


Flashbacks

Nagmamadaling tumakbo si Jessie hawak ang kamay ng nobyo nitong si Jerome,para tingnan ang Class standings or Honor Roll para sa first grading.Ang totoo ay never pa siyang nakadama na ma-intimidate or ma-pressure,kahit pa naglalabanan sila nila April at bakla niyang kaibigan na si Sweet para sa Top 1.Lagi niyang natatalo ang mga ito at bigo silang makuha ang unang pwesto.

Subalit iba ang taong iyon dahil naramdaman niya ang pressure at stress dahil sa Transfer student na si Jillian Ferrer.Nung una ay di siya naniniwala na matalino at magaling si Jillian,dahil napaka-tahimik nito at mukhang takot pa sa tao,loner ito at weirdo,kontento na itong kumain na mag-isa.Pero mali ang akala niya dahil napatunayan niya ang husay nito ng nagging mag-classmates sila.Nagkataong magkapareho silang group leaders at sobra siyang napahiya at nasaktan ang pride niya ng matalo siya nito,since then,lagi na niyang tinatarayan at binu-bully ito.Hindi niya matanggap na ang katulad ni Jillian na isang weirdo ang makakatalo sa kanya.Pigil ang hininga niya nang ikabit ng guro nilang si Mrs.Flores ang Rankings.

Ngunit ......

1. Ferrer, Jillian E.
2. Corpuz, Jessica Jane C.
3. Garcia, Ernesto D.
4. De Vega, April M.
5. Rivero, Hansel G.

Para siyang sinikumuraan ng makita ang official list ng class standings.Hindi niya matatanggap iyon.Feeling ni Jessie,ang lahat sa paligid niya ay pinagtatawanan siya,pero sa isip niya lamang iyon,tumindi ang galit at inggit niya kay Jillian.Hinding hindi siya papayag na papangalawa lamang siya rito.Sa di kalayuan,ay binabati ng mga estudyante ang bago nilang Top 1 na si Jillian,nahihiya ito sa pagtanggap ng mga papuri mula sa mga kamag-aral niya.Nagpasalamat siya sa mga ito,habang di niya batid ay isinusumpa na siya ng isip at kaluluwa ni Jessie dahil sa sobrang galit at inggit.

(Cuts )

Malalim na ang gabi ngunit di pa rin paawat ang grupo nila Jessie sa pagsasaya,maghapon silang nasa mansion ng mga Corpuz,palibhasa ay nasa abroad ang pamilya ni Jessie kaya't pagusto sila sa buhay.Nagkalat ang mga kaha ng sigarilyo,at mga bote ng alak na sila-sila lamang ang lumagok at nakaubos,hindi mo aakalaing,nasa ikatlong baitang pa lamang sila sa sekondarya.Nagsasayan pa sa saliw ng malakas na tugtugan ang magnobyong sila Aaron at Heidi,samantalang lango na sa alak si Tiffany na inaalalayan naman ni Hans na noo'y naka- salamin pa.Samantalang ang sosyalerang si April ay kanina pa naghihimutok dahil sa sweetness nila Jerome at Jessie,na nag-fli-flirt sa harapan niya,may mga sandaling tititigan siya ni Jessie at ipapakita ang pang-aakit na ginagawa niya kay Jerome at saka hahalikan ang mga labi ng binata na labis na ikinapupuyos ng kanyang damdamin,napahithit na lamang siya ng sigarilyo upang mapakawalan ang paninibugho ng kanyang kalooban.Tahimik na pinagmamasdan lamang siya ni Jared,alam niyang may pagtingin si April kay Jerome,ngunit alam niya rin,kailanma'y di iiwan ng kaibigan niya ang nobya nito para kay April.Napaka-mapaglaro ng tadhana,kung sino pa ang gusto mo ay siya pang ayaw sayo.

Unfair talaga ang buhay....Unfair sa kanila na solo flight kung magmahal.....

Maya-maya pa'y nagsimula na silang uminom ng droga .OO,nagdrodroga sila,ito ang bisyo nila,mag-iisang taon na,impluwensya ito ni Carlo sa kanila.Sa una,ay ayaw pa nila pero ng matikman nila ay hinahanap-hanap na nila.Sa isang saglit nga'y nagsimula na silang ma-high,kung anu-ano ang nasa isip nila,kung ano-ano ang pinaggagawa nila na di na nila makontrol pa.Halos lahat sila ay gumagamit ng bawal na gamot para malimutan kahit sandali ang mga problema nila sa buhay,sa pamilya,sa pera,etc .Nakakapagtakang ang mga intelihenteng gaya pa nila ang nalululong sa ganitong bisyo.They started acting wild and crazy ...

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon