Gabi ng Lagim

3.4K 52 35
                                    


Hindi mapakali sa kanyang kinauupuan si Heidi,palihim niyang pinagmamasdan si Karen.Masama na ang kutob niya,parang may mangyayaring di maganda sa gabing iyon.Kasalukuyan silang nasa pool area at habang nag-eenjoy ang mga kasama niya sa party,bagamat solo flight lang si april na piniling magbabad sa pool,at tila may sariling mundo at sila Jerome nama'y nakikipagkwentuhan kay Karen,eto siya ngayon at hindi mapalagay ang loob,kanina niya pa gustong yayain ang mga kaibigan na umuwi na,pero wala siyang maisip na magandang rason pag tinanong siya ng mga ito,bakit siya nag-aayang umuwi.Naalerto siya ng lumingon sa kanya si Karen,siguro ay nahalata nitong kanina niya pa tinititigan ang dalaga.Nagkunwari siyang uminom ng alak,napangiwi siya sa pait niyon,sa taranta niya ay ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib,para siyang maiihi sa pinaghalong takot at nerbyos.

Paano kung totoo ang Theory niya na si Karen ang nasa likod ng mga pagpatay?Pero kung si Karen nga ang suspek,anong motibo nya?Ang pagkamatay nila Hans at Tiffany ay din a nakakapagtaka pero sa iba niyang mga kaibigan,wala siyang mahanap na rason kung bakit.....

"Sino ka ba talaga Karen?"tanong ng isip niya,at palihim na pinagmadang muli ang misteryosang si Karen.

Magkatotoo kaya ang kutob niya?Hindi rin niya alam pero sana nga ay mali siya ....

( CUT )

"Sigurado ka bang nandito sila? "si Claire,pagod na pagod dahil sa haba ng nilakad nila sumakay naman sila ng jeep pero ibinaba sila sa sitio Sta.Rosa,sabi ng driver nasa burol daw ang hinahanap nilang villa na pagmamay-ari ni Karen,pero ang nakakapagtaka ay di Karen Alvarez ang nakarehistrong may-ari ng lupa,wala na silang time maghagilap ng impormasyon tungkol dun dahil sa byahe pa lang ay ubos na ang oras nila.May 30 minuto din silang naglakad,at may katarikan ang naturang burol,maalikabok pa ang daan na sinuong nila bago marating ang villa.

"OO,eto na yun.eto lang ang villa sa burol na to' "sagot ni Kevin.

"Anong balak mo? hindi naman pwedeng basta lang tayong sumugod at pumasok diyan,hindi natin alam ang takbo ng isipan niya,tandaaan mong may diperensya ang pag-iisip nya baka lalo lang mapahamak sila ate Heidi kung susugod agad tayo." paalala ni Claire sa binata.

Tama ang sinabi ni Claire.Ang tulad ni Karen na isang psycho at baliw ay mahirap kalaban.Dahil ang totoo,ang mga tulad ni Karen ay matatalino,kelangan nilang gumawa ng paraan.Nakasarado ang gate at mataas ang bakuran niyon,kelangan nilang mapasok ang villa ng di nakikita at maitakas ang mga kuya/ate nila sa loob niyon.Naghanap si Kevin ng pwedeng tuntungang bagay para makaakyat sa mataas na pader.Tamang-tama,may puno ng mangga sa gilid niyon,ang kaso,medyo malayo iyon sa pader na tatalunan niya.Agad niyang inakyat iyon ,may kataasan ang puno at ang totoo ay may takot siya sa matataas na lugar pero wala siyang choice.Kung di nya gagawin yun,baka madagdagan pa ang death toll ng mga mahal niya sa buhay.

"Anong ginagawa mo?masyadong malayo yung pagitan ng punong yan sa pader! "nag-aalalang saway niya sa binata,ngunit sumenyas itong wag siyang mag-ingay at saka tumalon.

Nagawa naman niya iyon na di nasusugatan o nahuhulog,sinenyasan niya si Claire na gawin ang ginawa niya at nangako siyang sasaluhin niya ito if ever na mahulog ito.Sumunod naman sa kanya si Claire at successful silang nakapasok sa loob ng villa.Malaki ang villa na yun at maganda ang ambiance,maraming tanim na bulaklak ang paligid at may kalawakan ang loob niyon.Hinarap ni Kevin si Claire at hinawakan niya ito sa magkabilang braso.

"Ako na lang ang papasok Claire,masyadong delikado sa loob."paalam niya sa dalaga,pero umiling ito bilang pagtutol.

"Ano yun joke?pinatalon-talon mo pa ako dito,tapos iiwan mo lang pala akong mag-isa?di pwede sasama ako sayo."maktol ni Claire.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon