Chapter 20 Réquiem:The Wicked

3.2K 73 38
                                    


(Karen sobbing)

“Do you have any idea,kung gaano kasakit ang mamatayan ng kapatid at wala kang nagawa para sa kanya,at nakita mo kung gaano siya binababoy ng mga P**@ng Inang mga hayop kayoHindi kayo naawa sa kapatid ko Wala kayong awa ….”

( sobs …. sobs … )

Matagal na panahon ang hinintay ko para ipaghiganti si Jillian,ipinangako ko sa kanya na di ako titigil hangga’t di kayo nagbabaya,buhay ang inutang niyo,Kaya …..Kaya buhay niyo rin ang magiging kapalit.”

(Karen flashed a devilish smil ,Jerome can feel the burning desire within Karen to wreak vengeance against them,and a thirst for justice that need to allay. )

They were terrified,their lives are at stake and they have 50/50 chance to survive.

Karen …Jenny,the sister of their victim held them as hostages,and now,they don’t know if they can win over the vengeful and loving sister of JILLIAN.

“Dahil makapangyarihan kayo,tinapatan niyo ng salapi ang mga dapat sana’y mga witnesses,binulag niyo sila ng kayamanan niyo para pagtakpan ang kabulukan ng pagkatao niyo,binayaran niyo sila Mang Nestor at tinakot niyong papatayin,para hindi nila sabihin sa pulis ang nalalaman nila.Pinagkaitan niyo kami ng hustisya."

( sobs )

( sobs )

Ang kapal ng mga mukha niyo,wala kayong puso,nagmakaawa ang kapatid ko sa inyo,pero anong ginawa niyo,Bukod sa ginahasa niyo na siya,sinira ang kanyang mukha,pinatay niyo pa!Anong kasalanan niya sa inyo?Ano Kasalanan niya bang mas magaling at maganda siya,wala siyang ginawa para ganyanin niyo ang kapatid ko!”

Umiiyak noon si Heidi,tinablan na rin ito ng konsensya at pagsisisi,kung maibabalik niya lang ang panahon ….

Hindi niya na sana binarkada sila Jessie,para hindi siya nalulong sa bisyo,para di tabunan ng inggit at ambisyon ang puso niya.

sana hindi na lang siya pumayag na isikreto ang nangyari … sana…

“Paano? k-kung ikaw si Jenny,b-bakit iba ang mukha mo?” tanong ni Jerome

“Si Jillian ang inspirasyon ko para mag-aral ng medisina at maging plastic surgeon,sa tulong ng mga katrabaho ko sa Korea,nagpa-plastic surgery ako,para walang makakilala sa akin,at para tuparin ang plano kong ipaghiganti si Jillian.”

“Sinadya kong makipag-kaibigan kay Hans,sa una ay plano ko lang siyang gamitin para malaman at mamanmanan ang mga kilos niyo,pero napakatanga ko dahil na-inlove ako sa gagong yun!Naiba ang plano ko,di ko na siya isasama sa paghihigantihan ko at kaya kong patawarin ang ginawa niya sa kapatid ko,since na na-pressured lang siya dahil sa inyo,pero….niloko niya ako,kaya  naman maaga siyang nakipag-reunion kay satanas,kasama ang demonyong si Tiffany.”

“Ang galing ko di ba?Nagamit ko ang pagiging adik nyo sa droga para sa mga plano ko.Ang mga babaeng nakikita niyo ay produkto ng ininom niyo bago niyo sabay-sabay na naranasan yun.Sinakyan ko ang kabaliwan niyo at magandang simula para isakatuparan ang mga planong naisip ko,at nangyari nga.Oh,nakalimutan ko,thanks din kay ellah na binawasan ang mga target ko,sa totoo lang na-excite ako nang gawin niya yun,nasabik tuloy akong maningil….dahil mayaman na ako,binayaran ko sila Aling rita at ang alaga nitong si Ana para magpanggap na mga psychic at kamag-anak ko,nakakatawa na napaniwala ko kayo sa acting ko…( laughs )at ang pinakamatindi ay …unti-unti na kayong binabangungot dahil binabagabag kayo ng mga konsensya niyo at dahil dun ibinubuko niyo ang mga sarili niyo.see?kakampi ko ang tadhana,at eto na ang panahon para singilin kayo,Anong masasabi mo roon,Heidi? ”baling niya sa nanginginig na si Heidi,wala namang magawa sila Jerome dahil nakatusok sa lalamunan nito ang matalim na scalpel,parang baliw si Karen na tatawa at iiyak,habang pinaglalaruan ang patalim sa lalamunan nito at dahil sa talim ay nagkaroon ng manipis na linya ng sugat sa leeg nito.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon