Chapter 4 The Hidden Feelings

7K 68 16
                                    

Kanina pa nag-aantay sila Heidi at mga kaibigan nito sa bar ni Jared.Nakakalimang baso naman ng whisky sila Aaron,Carlo at Jared,Samantalang abala sa pagte-text sa nobya nya si Hans.Hindi na makapag-antay si April na makita muli si Jerome,Tatlong taon siyang hindi kinausap nito at kahit pa tumawag siya rito ay lagi siyang binababaan,oh well,alam niyang kasalanan niya but she have no regrets,Mahal niya ang binata and she will do anything para kay Jerome kahit na ikapahamak pa o ikasakit pa ng iba,basta makuha lang niya ang gusto niya ay wala siyang pakialam.Maya-maya ang ginagawa niyang pagtingin sa cp nya kung may text o tumawag na ito pero wala.Naiinis na siya,pero sa isipan niya may nabuo na siyang plano.

Since wala na si jessie,aakitin niyang muli ang dream boy niya and gagawin nya ang lahat para mapasakanya ito.Napangiti siya,at ininom ang huling baso ng vodka,napangiwi siya sa tapang nito.She already made a decision,she will make Jerome crazily inlove with her.

Samantala,habang nag-i-ilusyon si April ay palihim siyang sinusulyapan ni Jared.He knows how April loves Jerome so much,and knowing her very well,kaya nitong isakripisyo ang lahat,kahit may masaktan at maapakang tao,napa-buntung-hininga siya.Noon pa man,Mahal na mahal na niya ito,ginawa niya ang lahat para sa dalaga.Dati ay tampulan siya ng tukso dahil may pagka-weird siya,gusto niya lang kasi laging mag-isa,hindi naman talaga siya original member ng barkadahan nila Jerome,napasama lang siya rito because of Jessie.Nung una,ang first crush niya ay si Jessie,mabait,mahinhin at napakaganda nito,but he knows na may nagmamay-ari na ng puso nito at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila,so pilit niyang kinalimutan ang nararamdaman para rito.Naging miyembro siya ng barkadahan since they were on 3rd grade.Naging magkakaklase kasi sila.That's when He met April,sophisticated at maldita ito,pero matalino.Hindi naman niya ito gusto dati pero nung time na binu-bully siya ng iba nilang kaklase ay ipinagtanggol siya nito,dun nagsimula yung feelings niya para rito.Sinubukan niyang magtapat pero natatakot siyang baka iwasan na siya ng dalaga.So,tinago niya ang nararamdaman kahit napakasakit nito para sa kanya.Tinungga niya ang bote ng vodka,inubos niya ang laman nun.Kailan kaya siya magkakaron ng lakas ng loob para magtapat dito?Hindi rin niya alam kung kelan at paano.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Heidi's POV

"Nakakainis talaga,Bakit ba siya tingin ng tingin? may pinaplano na naman kaya ang mokong na toh? hayyy....bakit pa kasi sinagot-sagot ko pa ang balahurang iyan,nakaka- asar talaga!Imbes na ma-excite ako dahil makikita ko na ulit si Jerome ay naba-badtrip ako dahil sa kaharap ko ang isang demonyo.OO, demonyo. pa-ngisi ngisi pa ang gago... nakakaloka!!!parang walang kasalanan sakin!nakakagigil!kung legal lang sana ang pagpatay sa mga womanizer na tulad niya, pinatay ko na ang bwisit na aaron na toh! para mabawasan ang mga lalaking malalandi pa sa babaeng gaya niya!!

Mahal na Mahal ko ang Tarantadong ex ko na yan, lahat ginawa ko na,binigay ko na,pero anong napala ko?wala,puro sakit at hirap ang binigay niya!!Niloko niya ko,not just once, but trice! oh di ba? nung last di ko na kinaya eh!aba't imaginin' mo monthsary niyo,then kanina ka pa nag-aantay sa meeting place nyo,basang-basa ka pa sa ulan,tapos pumunta ka sa condo niya,makikita mo siya na nag-di-dive dun sa babae niya!!!! Hanep di ba? sinong babaeng hindi magiging tigre sa ginawa niya? naku!! ang masaklap pa hindi man lang siya nag-sorry,proud pa siya sa ginawa niya eh!! ang kapal ng mukha!!! nakaka-stress pag naalala ko yung ginawa niya sa akin! ang tagal bago ko natanggap sa sarili ko na biktima ako ng panloloko,at minsan sa buhay ko,naging martir ako,dahil sa punyetang pag-ibig na yan! kaya i swear na talaga na never na akong ma-i-inlove, mag-fo-focus na lang ako sa career ko,kesa problemahin pa ang lalaki.

Lalo akong nairita ng nakita ko siyang ngumiti sa akin!Aba't ang hinayupak na ito! Ang tigas talaga ng mukha! Hindi marunong mahiya!sa inis ko,nainom ko yung alak ni April,inirapan tuloy ako ni Madam,well, sanay na ako.

Scalpel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon