13~ Babe,I don't wanna go~

Start from the beginning
                                    

"Oh shit! I love this couple! Perfect guyz.. keep goin'" sabi ulit ng photographer

Madami pang pinagawa sa kanila si Jeff. After a minute.

"Last position..Harap ulit kayo. Kristan hawakan mong mabuti ang bewang ni Megan and move forward. Megan, move your upper body backward while lookin up"

Sa kanilang pumisyon ay ramdam niya ang paghalik ng nobyo sa kanyang nalantad na collar bone

"Wow! Congratulations Sir and Ms. Sy. Ang galing. It was perfect" nasisiyahang sabi ni Hansel sa dalawa matapos ang photoshoot.

"Kindly send me copy of the photos", sabi ni Kristan

"Thank you, Hansel" saad naman ni Megan.

"You are a lovely couple",ani pa ni Hansel

"I know right" mabilis na sagot ni Kristan kaya naman siniko siya ni Megan.

"Ouchhhh..what's that for babe?",inosenteng tanong ni Kristan

Sinamaan niya ito ng tingin kaya tumahimik na ito.

"Hoy kayong dalawa!" agaw pansin sa kanila ni Jeff

"What?' pasupladong sagot naman sa kanya ni Kristan

"Yiiihhhhh ang sweet niyo kanina at ang hot ninyong tingnan! Bagay na bagay talaga kayo!"puri nito sa kanila

"At ikaw Fafa Kristan may utang ka sa akin..."sabi niya kay Kristan.

"Wala akong natatandaan na umutang ako sa iyo. Madami ako pera. Gusto mo bilhin pa kita eh", seryoso namang sagot ni Kristan

"Ayy kaloka...ang yaman ni Commander? Magkanu sahod mo te? Mayaman ka?"

"You know nothing about me. Baka hindi ka maniwala pag sinabi ko"

"Kahit libre na sa iyo Fafa!"malandi namang sagot ni Jeff

"Tssss....talaga..totoo ba yan?"

What?! Nanlaki naman ang mata ni Megan sa sagot ni Kristan! You mean papatulan niya ang kanyang baklang kaibigan? Hindi ba siya sapat kaya titikim pa siya sa iba at worst sa bakla pa! Waaaahhh! mga taksil!

"Ahhhhhh....if this is a dream...ayaw ko nang magising" sigaw naman ni Jeff

"I told you bessy..gusto din ako ni Fafa Kristan..Hihihi" sabi pa nito kay Megan.

Malanding bakla!  Uwaaaahhh! Mga taksil!

"Tssss....yeah coz I wanna buy you to become my shooting target later....matagal na akong walang praktis eh...try ko nga kung wala parin akong kupas" sabi ni Kristan

Laglag naman ang panga ni Jeff pagkarinig sa sinabi nito. Lumiwanag naman ang mukha ni Megan at ngiting ngiting tumingin sa nobyo. 

"Tsssss...di pa kasi ako tapos magsalita eh. Sama makatingin ni Misis"sabi nito at hinila na ang nobya palayo sa kanila.

Binelatan naman ni Megan si Jeff pagtalikod nila.

"You sould have seen your face babe....parang iiyak kana kanina..hahaha" tukso ni Kristan kay Megan

"Heh!" hinampas niya naman ito.

"Always remeber babe..ikaw lang ang mahal ko at laman ng puso ko...Hindi hindi kita ipagpapalit kahit kanino..." sabi nito

Napangiti naman siya at agad yumakap dito. "You don't have any idea how much I love you so too Mr. Villareal.

~

-Kristan-

2:30 P.M

Nandito na sila ngayon sa kwarto nilang dalawa at nanunuod ng movie. Nakahiga siya sa hita ng nobya at tutok na tutok sila sa pinapanuod ng may mambulabog.

She is Daredevil's GirlfriendWhere stories live. Discover now