9. Gangster

790 51 0
                                    

#MMCLIS

Parehas kaming nagulat at napatingin agad siya sa akin with a worried expression.

"Are you hurt?" Agad niyang hinawakan ang kamay ko at iginala ang mata niya sa buong lugar ko, checking kung akin nga 'yong bumagsak na baso. Saka niya sunod na tiningnan 'yong ulo ko pababa, hanggang sa bumalik ang mga mata niya sa akin. Umiling lang ako. I couldn't speak. Just like Chanyeol, nagulat din ako. Hindi sa pagkabasag kundi sa pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Chanyeol. I gave him a reassuring look na okay lang ako. My heart is beating fast. My hands suddenly turned sweaty. Ang daming dumadaan sa isip ko.

Why is he acting weird? Why is he suddenly worried about me? Does he like me?

I laughed silently to clear my thoughts. There is no way someone like him would like someone like me.

He wasn't convinced at first pero no'ng mapansin niya 'yong babaeng katabi ko, doon siya naniwala.

Napatingin din ako sa babae sa tabi ko. No'ng makita ko siya, nasa sahig ang kamay niya at puno ng dugo dahil sa bubog. Agad ko itong dinaluhan.

"Are you okay?" I asked. Lumuhod ako para makita 'yong sugat niya nang maayos. Kanina ko pa siya napapansin. I just didn't say anything kasi baka mag-jowa lang sila at nag-aaway. Then again, it's probably a big fight since nagkabasagan na.

Hindi kumibo 'yong babae, tears are dropping from her face.

"Sillyehabnida, manghal sa-eob-e singyeong sseo!" sigaw no'ng lalaki sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Pagkakita sa akin ni Jin Young galing sa changing room, his expression changed immediately at lumapit sa akin.

Tiningnan niya muna akong mabuti at nang mapansin niyang wala namang problema ay agad niyang tinulungan ang babae. Humingi ako ng ice pack kay Jin Young to help fix the girl. From her looks now, I can say she got beaten badly. May bruise na siya all over her body. May pasa na rin siya sa gilid ng kanyang labi at sa mga braso.

"Fuck! You should not hurt a girl, dude," I spat at umambang tatayo at susuntukin ang hayop na lalaking 'yon.

Agad akong hinablot ni Chanyeol at siya na ang sumuntok sa lalaki. Lahat kami'y napaatras sa gulat. Chanyeol's fuming mad. Tumayo na rin si Jin Young at itinago ako sa likod niya. His grip tightened.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa wrist ko. Between Chanyeol and Jin Young, based on experience, Chanyeol doesn't know how to control his anger. Siya rin 'yong basagulero sa kanilang dalawa.

"That's what you get for shouting at my girl!" Chanyeol gritted. Umupo siya sa tiyan no'ng lalaking nakahiga na sa sahig at sinuntok nang malakas 'yong lalaki sa mukha.

Napangiwi ako ro'n.

Blood burst out from the man's mouth dahil sa lakas ng suntok na 'yon.

"Geuge niga nae yeojaleul dachige hal ttae eodneungeoya," he repeated and landed another punch on the guy's face.Agad inawat ni Jin Young si Chanyeol. Nagsisimula na rin magdatingan yung mga bouncers. Chanyeol tried to break free one last time from Jin Young's gripped to launch one last strong punch to the guy. Hinayaan na lang rin siya ni Jin Young.

Pagkatapos ng suntok ay hindi na muna gumagalaw 'yong lalaki. Chanyeol probably punched him hard. Tumayo na si Chanyeol sa pagkakaupo at naglabas ng bills, may binilin din siya kay Jin Young.

Tumango na lang si Jin Young. Hinatak niya ako paalis ng bar na 'yon. I was still shocked pero deep inside, I'm so proud of Chanyeol. Hindi dahil sa sinabi niyang I'm his "girl," kundi sa paraan ng pagprotekta niya sa akin.

Lost In Seoul (Chaebol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon