7.2 Distracted

946 56 0
                                    

#MMCLIS

Habang inaayos ni Chanyeol ang papeles niya ay inuutusan ko naman si Jin Young para picture-an ako sa bawat sulok ng university. I did several poses like a professional instagrammer. Jin Young became lenient with me. Inilibot niya ako around the campus.

Panay pa rin ang kuha ko ng litrato. Pero nang nilingon ko siya ay kumalabog ang dibdib ko nang makita siyang seryosong nagmamasid sa akin. He was playing with his lower lip habang mataman akong tinitingnan. I gulped. Tinapat ko sa kanya ang aking camera para kuhanan siya. The wind blew his hair sidewards, his lip curved. He placed his hands inside his pocket after ko siyang kuhanan ng picture.

Umiling siya na para bang hindi siya makapaniwala. He casually walked towards me. "Come with me, I know a place where you'll like it. The view's better, too, around this time."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Nauna siyang pumasok sa building. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya 'yong pinaka-top floor. Nang bumukas ito ay hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak palapit. Hinatak niya ako patungo sa stairs, dahan-dahang binuksan ito at hinawakan ulit ang kamay ko bago umakyat.

"Jin Young, what are we doing? Are we trespassing?" natataranta kong tanong.

He softly chuckled. "Sshhh." Sabay takip ng aking bibig. "Just follow me, okay?"

Tumango na lang ako at tumahimik hanggang sa nakarating na kami sa pinakataas.

Hindi ko na namalayang nakahiwalay na ang kamay ni Jin Young sa akin dahil pagkakita ko sa scenery ay manghang-mangha na ako.

Oh my gosh! It's just so breathtaking! This place is so beautiful!

Lumapit si Jin Young sa akin at sumandal sa rails. Tiningnan niya ang kabuuan ng university. He grew up in such a beautiful country, kahit na nakaka-paranoid ang North Korea.

Sinuyod ng aking mata ang kabuuan ng university kung saan sila nag-aaral. It reminds me again of why I wanted to study in Korea, why I always longed to live in Korea. Looking at this place again, I'd be satisfied to live here forever.

Medyo mababa ang araw compared to other typical day. It wasn't hot nor cold. Katamtaman lang ang klima dahil kahit summer ay mahangin pa rin. Kitang-kita ko ang buong soccer field ng school, the mountains on the far back of the area, and the trees surrounding the school.

"I like it here!" sigaw ko.

"Seoul is just so breathtaking!" sabi ko habang umiihip ang hangin sa aking pisngi. The wind blew my hair kaya nasira ito sa ayos.

Nilingon ako ni Jin Young. Umaangat ang gilid ng kanyang labi habang sinusuri ako. Tumaas din ang kanyang kilay.

He got that amused smile again. Napatitig ako lalo sa kanyang mata. Those orbs, it's not like sobrang unique ng kulay nito, pero bakit gano'n? Kapag tumitingin ako sa kanya'y napapatulala ako. Marami naman akong nakakasalamuha na may iba't ibang mata, pero ang ganda talaga ng kanya. Maybe it complimented his looks so much.

Tumuwid siya sa pagkakatayo dahilan kung bakit napatingin din ako sa kanyang katawan. Jin Young's tall, he got the same height as Chanyeol, actually. Parehas siguro silang six feet or more, dahil kasing tangkad nila si Daddy. Isa siya sa mga taong payat na nasa tamang lugar ang muscles. The thing about Koreans is that, they don't look that good if they have big body. Usually, katamtaman lang ito o payat pero may muscles. Any athlete I encountered so far has the same body. Hindi sila malaki pero hindi naman malnourished.

Pero kumpara sa mga kaedad namin, mas matured ang pangangatawan nina Jin Young at Chanyeol. And Jin Young's broad shoulders were emphasized through his get-up.

Lost In Seoul (Chaebol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon