5. Drunk

1.6K 101 520
                                    

#MMCLIS

At first, I really did hate them. But, who am I to judge? I'm a Chinoy while they're Koreans. We have different perspectives and traditions. We don't live in the same country. I did hate them because of their attitude.

Then today, the way they protected me . . . obligado man sila o hindi and despite being a stranger and a pest in their lives, they still protected me. Malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanila, lalong-lalo na kay Chanyeol. Kung hindi nila ginawa 'yon, siguradong nabastos na ako.

"More?" Jin Young handed me another bottle of soju. Nang kukunin ko na ang bote, umangat ang gilid ng kanyang labi at mapaglaro akong tiningnan, saka agad itong inilayo.

I rolled my eyes. The jerk once again is alive.

Jin Young. Porke siya 'yong rich kid, kanina pa bili nang bili ng soju. Hindi ko na matandaan kung nakailang bote na sila. Chanyeol's face is already blushing red, gano'n din si Jin Young.

Alcohol hasn't fully left my system, too, kaya nasisigurado kong blushing red na rin ang mukha ko. All I can remember is umiinom sila habang kumakain ng ramyeon.

Sure akong hindi soju ang ininom ko sa bar. It may be a bomber bomb drink or what Koreans used to call the mild shots.

Nang medyo lasing na sila, saka ako nagsimulang pumuslit ng soju. I've never tasted a soju before. Sabi nila, masarap daw ito kung grape flavor. Minsan daw kasi, ang plain soju ay mapait, kaya 'yon ang laging sina-suggest sa akin.

Hinalungkat ko 'yong plastic bag. Puro plain soju lang ang nakita ko kaya hindi na ako nagreklamo at tinikman ito.

Unang daan pa lang ng alak sa panlasa ko, para na akong nasusuka! Ang pait! Lasang paracetamol na liquid! Medyo napangiwi ako sa pandidiri. Ayoko ng ganitong lasa. Kaya naman pala matatapang ang alcoholic contents.

Nakita ko pa ngang ngumiwi sa pandidiri 'yong dalawa. Umirap si Chanyeol pero nilapitan ako at hinagod ang likod ko. Si Jin Young naman ang nagbigay ng tissue pero nakasimangot.

"You always do that. You're too messy for a girl, you know?" ani Jin Young habang pinupunasan ko ang mukha ko.

I made a drunken laugh.

Hinampas ko ang likod niya. "You're just lucky enough to see me like this." Sabay halakhak kahit wala namang nakakatawa.

The night is calmer kumpara sa normal away naming tatlo. Hindi na siya nakaka-stress. Binu-bully pa rin naman nila ako but milder than before. And we don't frown at each other anymore.

Except no'ng nagsuka ako. Ang arte kasi ni Jin Young. Pero everytime na binu-bully nila ako or mag-jo-joke man lang, hindi na ako naiinis. In fact, itinatawa ko na lang 'yon. O baka lasing na ako kaya gano'n?

"Cheers!" we said in unison, habang itinataas ang mga soju bottle namin.

Tahimik si Chanyeol sa gilid. Pinipikit niya minsan ang mga mata niya, pero unlike Jin Young who's wasted, mas maayos pa ang kondisyon ni Chanyeol.

At isa pa, mas lenient si Chanyeol. Alam niyang pumupuslit ako pero hinahayaan niya na ako, 'yon nga lang, mas lalo na siyang tumitingin sa akin. Nagising siguro ang drunken self ko kaya wala na akong pakialam kung seryosong nakatingin sa akin si Chanyeol.

Tahimik ang buong paligid. Ang daming iba't ibang kulay na nakapalibot sa bridge na kumikinang. At mas gumaganda pa 'yong lugar kapag nag-re-reflect ito sa ilog. Ang galing ni God at ng Koreans. Hindi lang 'yon, mas lumalaki ang itsura ng buwan kapag tinitingnan mo rito. Sa umaga, para itong park. May nagbibisikleta, may nag-jo-jogging. Sa gabi naman, para itong lovers area.

Lost In Seoul (Chaebol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon