2.2 Geongbukgung Palace

2.1K 101 21
                                    

#MMCLIS

Habang nag-iikot sa Insadong ay nakaramdam ako ng gutom. Alas-syete na rin pala, kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom. Dahil hindi naman ako mahilig magsusubok ng pagkain, napagdesisyonan ko na lang pumasok sa isang café na malapit.

I sat down by the window in a cute doggy café. It's found on the second floor. Medyo may kataguan din 'yong lugar. Nalaman ko lang naman ito dahil may flyers na pinamigay kanina. Umupo ako sa may bandang dulo. Its chairs are faced in a glass wall at nakakaaliw tingnan ang mga taong naglalakad. May ibang seats na pang-grupo, may iba namang pang-dalawa lang.

Ang daming klase ng aso rito. Nakakulong man sila sa isang gilid, still, ang cute nilang tingnan. May mga customer na pumapasok sa loob upang hawakan ang mga ito.

Ngumiti ako nang may batang pumasok kasama ang nanay niya. Pilit nitong hinahawakan ang aso pero 'yong bata naman ay natatakot hanggang sa umiyak. Naaliw ako sa kakatingin at hindi ko namalayang dumating na pala ang mga order ko kaya nagsimula na rin akong kumain.

Napalingon ako sa aking gilid nang may naramdamang nakatingin sa akin. I checked the whole café, nothing. I shrugged, baka guniguni ko lang 'yon.

When I looked outside the window, may namataan akong isang lalaking nakadungaw sa akin sa taas. Nakatayo siya sa tapat ng dog cafe. He was frowning so much as he stare right back at me! I was shocked by his sudden appearance, at nahulog 'yong kinakain kong chicken!

Siya yung tulo-laway kong nakasalamuha kanina! Oh my God?

The guy shook his head in disbelief. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pandidiri at inis.

"Neo ajigdo simhan nom-iya," he mouthed.

I raised an eyebrow and tounged out.

Hello, I may not be that fluent in Korean, but I'm sure as hell that I understand what he just said.

His friends tapped his shoulders, probably wondering where he was looking or what he was looking at. Napatingin na rin sa akin 'yong mga kaibigan niya. Ngumisi 'yong isa at umiling samantalang 'yong isa naman ay tahimik lang din at seryosong nakatingin sa akin. Nakita ko kung paano ngumisi 'yong lalaking nakatingin sa akin no'ng tuksuhin siya. I smirked, saka umirap. Tatayo na sana ako para lumipat ng ibang mauupuan nang mapansin kong naglalakad na sila palapit sa café na ito! Nagtatawanan sila. They're saying something in Korean, feeling ko tinutukso pa rin nila ito.

"Annyeonghaseyo!" the waitress greeted them.

The guy scanned the whole café and when his eyes found mine, an evil grin formed from his face. Mas lalo akong kinabahan doon.

Ano na naman kaya ang plano nitong epal na ito? He dashingly walked towards me. Both of his hands are in his pocket. Nakikita ko kung paano siya lingunin ng mga babae rito, na ni ultimong waitress ay napapalingon din sa kanya. He stopped walking nang nasa tapat na siya ng lamesa ko. Hindi ko siya pinansin pero alam kong nakatingin siya sa akin.

"Uliga neowa hablyuhamyeon gwaenchanh ni?" He fakely smiled. Halatang-halata sa boses niya ang pilit.

"Mwo?" I asked.

"I said, are you okay if we'll join you?" he repeated.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ani," I shortly replied.

His eyebrows twitched. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa gilid ng aking lamesa at yumuko. His face is near my right ear, rinig na rinig ko ang paghinga nito. My heart beats fast.

Agad nawala ang tapang ko at napalitan ito ng matinding kaba. My hands are sweating. Pero hindi ko pa rin siya nilingon at para maitago ko ang aking kaba ay tumikhim ako at kinunot ang noo at patuloy pa ring nakadungaw sa labas at inaaliw ang sarili sa tanawin.

Lost In Seoul (Chaebol Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon