Chapter 7

157 7 1
                                    

Adessa's Pov

Bata palang ako ay humahanga na ko ng lubos sa mga kakayahan ng nasa paligid ko. Noon rin ay pinapangarap ko na magkaroon ng makapangyarihan at astig na mahika tulad sa tao ng mga kilalang Hero.

Dahil namulat ako na mas marami kang maproprotektahan at maliligtas kung malakas ka. Kaya ganon na lang siguro ang pagkadismaya ko ng tuluyan ng lumabas ang mahikang ipinagkaloob sakin ni bathala. At mapagtanto kong hindi ito tulad ng iba.

Hindi ito tulad ng kakayahan ni Mikaela na nagpapalutang ng mga bagay gamit ang isang kumpas ng kamay. Di rin ito tulad ng kay Sandro na kayang tumunaw ng bakal gamit ang mga mata nya. At mas lalong malayo ito sa malakas na mahika ni Law na hinahangaan ng marami.

Kala ko nung una ay nabibilang ito sa mga kakayahan di kapansin pansin o walang kwenta. Aamin ko na higit akong na ingit sa kapangyarihan ng iba at sinawalang bahala ang sarili kong kapangyarihan.

Naging abala kong kilalanin ang mahika ng iba at nawalan ako ng oras para kilalanin yun akin.

'Pader w-wala naman ka-kwenta kwenta ang kakayahan ko'

'Tatandaan mo Adessa na lahat ng nilikha nya ay may sariling silbi at halaga. Siguro'y di mo lang ito napapansin' sagot ni Pader.

Kahit hinanda ko na ang aking sarili para sa pagatake ng kaduelo ko ay nabigla parin dahil sya pala ay may mahikang iclone ang sarili nya.

Kaya ngyon ay kasalukuyan akong umiiwas sa mga atake ng ginawa nya apat na clone.

'Puro ka na lang ba iwas? Lumaban ka probinsyana' bulalas ng kaduelo ko sabay tawa na parang ewan habang umaatake.

Pero di ko ito pinansin at pinagpatuloy ko ang aking pagiwas at pagtakbo sa mga clone nya.

'Mukhang madaling matatapos ang laban na i-' hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng bigla nyang naramdanan ang sinulid na pumulupot sa kanyang leeg.

Oo aamin ko na di kasing astig na mahika ng iba ang mahika ko pero na kakasiguro naman ako na gagamitin ko ito para protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Kung sa tingin ko nung una o sa tingin ng iba ngyon ay walang kwenta ang mahika ko di dapat ito maging hadlang para palawigin ko ito at di ako susuko at hihintayin ko ang tamang oras na magiging mahalaga rin ang kakayahan ko ito. Tulad ng sabi ni Pader.

'P-paano?!' nauutal na ani ng aking kaduelo ng napansin nya rin na nakabuhol rin sa aking sinulid ang mga clone na ginawa nya.

Nung abala kasi sya sa pagatake sakin ay kinuha ko itong pagkakataon para ilabas ang aking mga sinulid. Nasabi kasi sakin ni Law na minsan ay kaelangan mong linlangin ang kalaban mo para makamit mo ang tagumpay. At dahil manipis lang na sinulid ang ginamit ko at di ito makikita ng iglapan.

'Isang maling galaw mo lang at mapupugutan ka ng ulo' ani ko sabay pakita ng mga sinulid sa aking mga daliri na kumokonekta sa mga sinulid na nakapulupot sa kanya at kanyang clones.

At dahil dun ay napansin ko na naestatwa na lang ito at yun kanina maingay kong paligid ay biglang tumahimik. Siguro ay nagulat sila sa aking ginawa.

'Ang diniklarang panalo sa huling duelo ay si Adessa Moran' bulalas ng taga pagsalita hudyat para alisin ko ang sinulid sa leeg ng aking kalaban.

Gusto kong magtatalon sa tuwa pero may natitira pa naman akong hiya kaya nilingon ko na lang si Law at nag thumbs up dito. At buti na lang ay ngitian ako nito pabalik kase kung sakaling di nya ko pinansin magmumukhang tanga ako roon.

Ilang saglit rin ay pinalapit ako sa harapan ng mga pinuno para malaman kung may kukuha sakin. Kasi di ibig sabihin na nanalo ka pasok ka na sigun parin yun kung may marerecruit sayong pinuno.

At yung sayang nararamdaman ko ay biglang tinabunan ng kaba ng tumingin na ko sa mga pinuno.

Nagulat pa ko ng biglang nagsalita si Captain Grant ng Vengeance at tumingin sakin.

'Aamin ko na magaling ang ginawa mong iyun. Pero wag mo sana mamasamain pero para sakin ay napakahina parin ng mahika mo para makapasok ka sa D. A' Sabi nito kaya napakagat ako ng aking ilalim na labi.

'Sangayon ako dahil kung tutuusin ay maraming mahina na tatalo sa klase ng kakayahan mo iha. Isang hamak na sinulid lang yan na madaling masira. Siguro pede ka sa support team' pagsasangayon pa ni Captain Avyanna kaya napahikpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit.

At dahil dun sa mga sinabi nila ay nagsimula ang bulong bulungan at nakikiayon sa mga tinuran ng dalawang pinuno. Gusto kong ipagtanggol ang mahika pero nung lumakas yun mga usap usapan sa paligid ay biglang umurong ang dila ko.

'Ano bang aasahan mo sa isang dukha syempre di yan pinagpala ng malakas mahika. Ambisiosa lang kasi ang babaeng yan'

'Hay kala nya siguro makakapasok na sya di nya alam wala naman kwenta ang mahika nya.

'Kawawa naman ang taas kasi ng lipad babagsak din pala'

Di ko masalungat ang sinasabi nila dahil naalala ko na ako rin dati ay di naniwala malakas o may silbi ang mahika kong ito. Sa mga oras na ito ay parang gusto ko na lang lamunin ako ng sahig na kinatatayuan ko. Napaka yabang kong sabihin na gagawin ko ang lahat para makapasok sa D.A pero ngyon ay naging mistulang pipi ako at di mapagtanggol ang sarili kong mahika.

Pero habang biglang tumigil ang bulungan ng itinaas ni Captain Xerxes sabay tayo.

'Hay! Mahina kung sa mahina pero wag nyo kalimutan na natalo nya ang lalaking yun gamit ang mahika nya' ani ni Captain Xerxes sabay hikab.

Natahimik naman bigla ang mga ibang pinuno dahil dun.

'Hindi nasusukat sa lakas ng mahika yan kung di kung pano mo gagamitin ang mahika mo.' dagdag pa nito na tuluyan nagpatahimik sa paligid.

Kaya bigla akong natulala dahil sa ginawa at sinabi nya. Di ko inaasahan na ipagtatangol nya ko at tatanggapin sa grupo nya.

'Kayo na ang last diba?' tanong nito habang nakatingin sakin. Kaya naman biglang sagot ay tumango tango ako. Medyo shock pa kasi ako sa katotoohan na may narecruit sakin pinuno at ibig sabihin nun ay makakapasok na ko sa D.A.

'So pede na akong umalis' ani nito sabay dare-daretsong bumaba at lumabas ng colleseum. Napatingin naman ako sa gawi ni Law pero nagulat ako ng nakatayo ito at nakatingin na sakin.

Nginitian ko ito sabay pahid sa luha sa aking mata. Di ko pala na malayan na napaluha na ko sa sitwasyon ko kanina.

So may kumuha sakin team kahit mahina ang kapangyarihan ko.

Papasok ako sa dream school ko.

Nakapasa akoooo!!

Totoo nga ang sinabi sakin ni Pader na di lahat ng tao ay pare-parehas ang tingin sa isang bagay kasi sa isang daan na taong tingin sayo ay walang kwenta may isa o dalawang hindi.

Dance with the MagicWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu