Chapter 5

145 8 1
                                    

Law's Pov

'Law nakapasa ako ang galing nakapasa ako!' bulalas ni Adessa na patalon talon pa at halos idukdok sa pagmumukha ko ang ID pass nya para sa final exam.

Kasalukuyan kasing narito kami sa tinatawag nilang Colosseum kung saan gaganapin ang pangalawang pagsusulit. At pinaghintay lang naman kami ng isang oras dito dahil hinahanda raw ang final exam namin.

'Sinuwerte ka lang' bulong ko pero mukhang narinig ito ni Dessa at tinapunan ako ng masamang tingin. Umupo ito sa tabi ko habang nakanguso.

'Tch. Ang killjoy mo talaga Law, di ka ba masaya na nakapasa tayo?' ani nito kaya napatingin ako sa kanya. Mukha itong bata na inagawan ng kendi.

Kung tutuusin kalahati sa amin ang mga pinalad makapasa at lahat sila ay nagtitipon dito at halatang hinahanda ang sarili sa panghuling pagsusulit.

' Mas gugustohin ko pang bumagsak ka na lang para makabalik agad tayo sa Irkalla' sagot na lalong kinabusangot ng mukha nya. At dahil dun ay napangiti na lang ako ng bahagya. Mukha kasi talaga syang bata.

'Hay ipapakita ko talaga sayo Law na makakapasa ako kahit magdasal ka pa dyan di yan tatalab dahil naniniwala akong makakapasa ako bleh!' sabi nito at inilabas pa ang dila bago tumingin sa kabila nya.

'Tignan natin' ani ko habang pinipigilan ang pagngiti. Magsasalita pa sana ito ng biglang may nagsalita sa mikropono na umagaw ng atensyon ng lahat.

'Maligayang bati sa mga kalahok na nakarating sa panghuling pagsusulit' bati ng isang matandang lalaki na may kakaibang damit at kulay ng buhok. Nakasuot kasi ito ng suit na pink at may sumbrelong pang magician.

'Sino ba ang weirdong lalaking yun?' napatango na lang ako dahil sa kaweirdohan ng lalaking nasa gitna ng isang malaking bilog sa baba na gawa sa bato. Yung kinaroroonan kasi namin na tinatawag nilang Colosseum ay isang malawak na lugar na may malaking batong nasa gitna at nakapalibot dito ang mga bakal na upuan na kasalukuyang kinauupuan namin.

'Si Maestro Baba yan ang puno ng mga guro sa Diamond Academia. Isa sya sa malalakas na Hero sa mundo' sagot ni Adessa na halatang manghang mangha.

'Ah' tanging nasabi ko na lang. Dati pa naman ay wala talaga akong interes sa school na ito o maski sa capitolyo. Wala rin akong pake sa sinasabi ng iba na napaka swerte ko dahil sa abilidad ko. Si Adessa lang naman ang dahil kung bakit ako nandito.

Nagbigay ng speech yung tinatawag nilang maestro Baba. Medyo nagtagal ito ng ilang minuto pero mukhang lahat ng tao rito sa Colosseum ay manghang mangha sa weirdong yun at aliw na aliw sa sinasabi nito. Ako nga lang ata ang inip na inip.

'Pinagdadasal ko na gabayan sana kayo ng panginoon sa pagsusuli na ito. Hangad kong makapasa kayong lang' pagtatapos nito at pagkabitaw nito ng mikropono ay nagsipalakpakan ang mga tao at nun tignan ko yung katabi ko ay maluha luha pa ito.

'Di ko inaasahan ma kikita ko si Meastro BaBa sa malapitan' ani nito pero di ko na pinansin dahil mukhang nagsisimula na ang pagsusuli.

'Alam kong di na kayo makapaghintay at nais nyo ng ipasa ang huling pagsusulit' ani nung tagapagsalita. Ipinaliwanag nito kung pano tatakbo ang panghuling pagsusuli.

Bali magiging duelo ito gamit ang mga abilidad manalo o matalo ay nakabase sa pinakita mo ang magiging resulta ng pagsusulit. Kung magugustohan ng anim na pinuno raw ng mga grupo sa Diamond Academy.

Itinanong ko ito kay Adessa at ang sinabi nya ay may anim na grupo sa loob ng Diamond Academy. May kanya kanyang uniforme at tawag sa bawat grupo at ito rin ang magiging grupo mo pag nakagraduate ka sa paaralan ito at maging isang Hero.

'Ipinapakilala ko sa inyo ang anim na pinuno ng bawat guild sa Diamond Academia' ani ng tagapagsalita.

'Ang pinuno ng may pinaka mataas na star at grupong tinagurian top 1 ng mag kasunod na taon. Grant Wistalia ng Golden Falcon' sabay labas ng isang lalaking nakahalf mask na kulay puti. Napataas ang isang kilay ko dahil kakaiba ang aura ng lalaking yun. Mukha syang tahimik pero ramdam ko ang lakas nya. Kasabay ng paglabas nito ang isang bandera na may gold na ibon.

'Palakpakan naman natin ang pinuno ng pangalawang groupo na si Ragnar Martzen ng Alpha Wolf ' sabay labas naman ng isang may kakisigan lalaki na kulay puti ang buhok. Nakakatakot ang mga tingin nito at mukhang mabangis talaga. Kagaya ng kanilang bandera na gray na may asong lobo.

'Ipapakilala ko naman ang dyosa ng Crimson Strix ang pangngatlong grupo. Avayanna Gorman' pagpapakilala nung tagpagsalita sabay labas ng isang babaeng pulang pula ang buhok na may maganda mukha ngunit kapansin pansin ang suot nito armor. Ang badera naman nito ay isang owl na pula.

At sa bawat paglabas ng mga pinuno at di malaman ng katabi ko kung anong gagawin. Mukha itong batang nakakita ng isang bagay na ngyon nya lang nakita.

'Ang pinuno ng Sabretooth Kenna Lockhart' sabay labas ng isang babae na may green na buhok. Mukha ito lalaki dahil may kalakihan ang pangangatawan nito. Kulay green naman na tiger ang bandera nito.

'Ang astig nya talaga !' bulalas ni Adessa na manghang mangha. So ito pala ang tinutukoy nya na grupong hinahangan nya. Nasabi kasi sakin ni Dessa na sa gusto nyang maging katulad ng pinuno ng Sabretooth . Pero nung tinanong ko sya kung san nya nais na grupo ay Golden Falcon ang pinili nya dahil malalakas raw ang mga naroon at mas masusubok sya pag dun sya pinalad magrupo.

'Ating palakpakan ang pinuno ng Royal Spikes , Sawyer Wilson' pagpapakilala ng tagapagsalita sa isang lalaking may eye patch at kulay blue na buhok at kulay blue naman na bull ang banderang bumungad samin.

'At ang panghuling grupo ang Black Beast at ang kanilang pinuno Xerxes Lancaster' ani ng tagapagsalita sabay sulpot ng isang lalaking kulay black ang buhok na may kahabaan. Malaki ang pangangatawan nito at mukhang inaantok. Ang bandera naman nito ay isang itim na unggoy.

Kung ikukumpara sa palakpak ng mga tao sa mga naunang pinuno mas hamak na mas mahina ang palakpak sa panghuling lumabas. Naalala ko na sabi ni Dessa na troublemaker daw ang grupong ito kaya wala masyadong nasali.

'Sila ang pipili at magrerecruit sa inyo. Pag nagustohan nila ang abilidad nyo pasok na kayo. Kaya dapat galingan nyo lahat'

Pagkatapos Ipakilala ang bawat pinuno ng anim na grupo ay sa wakas ay nagsimula na ang pagsusuli. Bago kasi kami pumasok sa lugar na ito ay may pinabunot samin numero at ayon sa pinaliwanag ng tagapagsalita ay mukhang nakabase sa numerong yun ang magiging kaduelo ng bawat isa.

Ilang minuto lang ay nagsimula na ang duelo. Kanya kanyang pagpapakita ng abilidad ang mga kalahok at aabutin lang ng ilang minuto para makapili ang anim na pinuno

Matapos kasi ang laban ay itinataas kasi ng mga pinuno ang mga kamay nila kung gusto nila ang isang kalahok. At kung may nagtaas ng kamay pasok ka.

'Anong number ka Law? 029 ako eh' tanong ni Adessa sabay pakita sakin ang numero na nabunot nya kaya pinakita ko rin yun akin pero nagulat ako ng biglang sumigaw si Adessa habang tinuturo ang numero ko.

'Turn mo na Law!' bulalas nito kaya napatingin ako sa malaking TV kung saan nakapaskil ang numero ko at numero ng aking makakalaban.

Dance with the MagicWhere stories live. Discover now