Chapter 2

260 12 2
                                    

Law's Pov

'Tandaan mo Law balang araw proprotektahan kita kasama sina sister at Father at ang lahat ng taong naninirahan dito sa Mundo '

'Hindi mo pa nga kayang kontrolin ang magic mo'

'Kaya nga ako nagprapraktis araw araw. Kung sana tinutulungan mo ko edi dumadali ang pagiging malakas ko'

'Tch. Hindi mo kaelangan maging malakas Adessa. Dahil ako ang dapat maging malakas at ako ang proprotekta sayo'

'Hahaha. Edi sabay tayong maging malakas Law'

'Ang cute nyo nga tignan dalawa kasi alam ko parehas nyong gustong protektahan ang isa't isa' ang huling sabi ni sister bago ako lumabas para hanapin si Dessa

Nagisip ako kung saan sya pedeng pumunta dahil medyo gala ang isang yun sinubukan kong pumunta sa playground, sa ilog at sa mga kalaro nya daw ngunit di ko sya makita roon. Pero biglang naalala ko ang bangin na palagi namin pinupuntahan.

'Pede ba Adessa wag kang malikot baka mahulog ka dyan'

Tara dito sa dulo Law kitang kita dito ang Valhalla.'

At hindi nga ako nagkamali. Tama ang hinala ko na naririto sya at nakaupo sa dulo ng bangin habang nakatanaw sa hinahangan nyang lugar.

Si Adessa ang tipo ng babaeng napaka babaw lang ng kaligayahan. Kung ikukumpara sakin ay matatawag syang kabaliktaran ko. Palagi itong nakangiti kaya lahat ng nakakasalamuha nya ay nahahawa sa pagiging masayahin nya.

Madali rin syang makisalamuha sa ibang tao, hayop o insekto. Hindi tulad ko na tahimik at hindi palangiti. Marami syang naging kaibigan halos lahat ng tao sa Irkalla Village ay kaibigan nya. Mabait, matulungin at hindi marunong sumuko. Yan si Adessa na kasabay kong lumaki. Kaya Nagtataka nga ang karamihan kung pano napagtitiisan ni Adessa na makasama ang tulad ko.

'Bat ka nandito? Diba maglalaro kayo ng mga bago mong kaibigan sa bundok?'

'Hindi ako sumama sa kanila'

'Kala ko ba gusto mong umakyat ng bundok? Chance mo na yun'

'Ang gusto ko umakyat sa bundok pero kasama si Law'

Palagi ko syang sinusungitan at madalas na parang wala akong pake sa kanya. Ngunit kahit ganon ako parin ang pinipili nyang samahan. Kahit marami na sya kaibigan na higit na hindi boring katulad ko ay pinilili nya parin ako sa huli.

Oo aamin ko nagseselos ako nun pag may mga bago sya kaibigan. Hindi ako tulad nya na kaya makipagsalamuha sa iba kaya natakot ako nun na iwan nya ko. Pero hindi nya ko iniwan ako lang itong tangang hindi itong binibigyan ng halaga.

Para kasi sakin nun wala na kong ibang kaelangan kung di si Adessa lang. Ayoko ng ibang kaibigan sapat na sakin si Adessa. Ngunit kahit kelan hindi ko yun naparamdam sa kanya dahil duwag ako.

"Law makikita mo makakarating ako sa Valhalla at makakapasok sa Diamond Academy!' biglang sigaw nito.

'Isasama kita para panoodin akong maging malakas. Ipapamukha ko sayo na kahit ang isang mahirap at nasa ampunang tulad natin ay pedeng mangarap!' sigaw pa nito. Kaya napangiti ako habang pinagmamasdan sya. At hindi ko namalayan na unti unti na kong lumalapit sa kinaroroonan nya.

' Law makikita mo lalakas ako kesa sayo. At magmamakaawa kang iligtas kita hahaha! 'bulalas pa nito at tumawa na parang ewan.

' Hindi mangyayari yun 'ani ko at nakita ko naman na napalingon ito sakin at halata sa mukha nya ang pagkagulat.

Dance with the MagicWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu